September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ibang gala na lang tuloy: Xian Lim 'di talaga imbitado sa GMA Gala 2024?

Ibang gala na lang tuloy: Xian Lim 'di talaga imbitado sa GMA Gala 2024?
Photo courtesy: Xian Lim (IG)/GMA Network (YouTube)

How true na kaya wala raw sa naganap na GMA Gala 2024 noong Hulyo ang Kapuso actor na si Xian Lim ay dahil hindi raw talaga siya nakatanggap ng imbitasyon?

Iyan ang pinag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs sa fresh episode ng entertainment vlog nilang "Ogie Diaz Showbiz Update" matapos makarating daw sa kaalaman ng una, na kaya hindi raw nakita si Xian sa nabanggit na big event ng Kapuso Network ay dahil hindi nga raw talaga inimbitahan ang aktor-direktor.

Dito ay may mga nag-isip daw na baka lilipat o babalik na ulit sa ABS-CBN si Xian dahil sa no show nga siya sa event.

Saad ni Ogie, nakarating daw sa kaniya na talagang hinanap ni Xian ang imbitasyon sa nabanggit na Gala, at nang mapag-alamang wala talagang ipinadala para sa kaniya, ay isinabay na lamang ang pagbabakasyon sa ibang bansa kasama ang kasintahang si Iris Lee.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

In short, literal na gala na lang ang ginawa ni Xian.

Ang puno't dulo raw, na hindi naman kumpirmado kung totoo, ay dahil hindi raw gusto ng ilang staff ang attitude ni Xian.

Matatandaang matagal nang umiikot sa showbiz industry ang tungkol sa umano'y attitude ng aktor.

Pero sabi ni Ogie, si Xian lang daw ang makakapagkumpirma niyan at mas magandang sa kaniya umano manggaling.

"'Yon nga 'yong usap-usapan nga... na tapos na 'yong Gala, 'di ba, ang unang pinag-usapan diyan ay si Sandro Muhlach. Tapos 'yong mga bulung-bulungan naman na talaga naman daw na hindi ininvite ng GMA si Xian Lim," tsika ni Ogie.

"Totoo ba 'yon? Hayan ha, tinatanong po namin, hindi po namin kinukumpirma, 'yan po 'yong umiikot na usap-usapan. Si Xian Lim ay hindi raw ininvite sa GMA Gala dahil hinahanap daw ni Xian Lim kung nasaan ang kaniyang invitation... hanggang sa madiskubre ni Xian Lim na hindi talaga siya ininvite."

"Ang ginawa na lamang daw ni Xian Lim ay nag-abroad sila ng kaniyang girlfriend na si Iris Lee..."

Sunod naman, naitanong ni Mama Loi kung bakit nga ba siya hindi naimbitahan gayong nasa Kapuso Network na nga ang aktor.

"Oo nga, ako rin nagtataka eh, pero bigla ko na lang din narinig, na ang dahilan daw, eh hindi raw nila gusto 'yong attitude ni Xian Lim," sey ni Ogie.

"Ha? Sinong hindi nagkagusto ng attitude, 'Nay?" sundot na tanong ni Mama Loi.

"Eh 'yon daw mga prod staff, totoo ba 'yon? Kasi alam mo no, marami nang mga bali-balita kay Xian Lim no, mas magandang malinawan 'yan..." saad pa ni Ogie.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Xian Lim kaugnay sa isyung ito, gayundin ang pamunuan ng GMA Network. Bukas ang Balita sa kanilang panig.