October 05, 2024

Home BALITA National

₱64 per day food budget ng NEDA, nakakainsulto--Hontiveros

₱64 per day food budget ng NEDA, nakakainsulto--Hontiveros
Senator Risa Hontiveros/FB

Nakakainsulto at nakakalungkot para kay Senador Risa Hontiveros ang umano'y ₱64 kada araw na food budget ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa isang panayam sa mga mamamahayag itinanong kay Hontiveros kung nakaka-insulto ang gano'ng kababang halaga.

"Syempre nakakainsulto sa marami at higit sa lahat nakakalungkot. Kasi, kung gano'n lang 'yung akala nating kailangan, so gano'n din lang ang aambisyonin natin bilang isang bansa at ng ating gobyerno. Eh saan na tayo pupulutin no'n 'di ba?" saad ng senadora.

Aniya pa, dapat maging mas realistic. Itinanong daw nila ito sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) briefing na taon-taon na simula ng kanilang budget debate.

National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

"Kung ano talaga umano ang minimum na kailangan ng bawat Pilipino para kumain nang malusog at mabuhay nang makatao. Para din itaas naman naming lahat na nagtatrabaho sa gobyerno 'yung targets namin in term of nutrition, food security, poverty alleviation, na hindi pa nga natin pinag-uusapan 'yung wealth redistribution eh 'di ba," saad pa ni Hontiveros.

"Napaka-minimum pa lang 'di ba, ayusin naman natin 'yung ating baseline data para maging maayos din 'yung ating mga bubuoing mga programa, activities, proyekto, na taon-taon kami naman sa kongreso ay kailangan naming budgetan."

Matatandaang ayon sa NEDA, hindi raw maituturing na "food poor" o naghihirap sa pagkain ang isang Pilipino kapag kaya niyang gumasta ng ₱64 pataas para matugunan ang tatlong meals sa loob ng isang araw.

BASAHIN: Pinoy na gumagastos ng higit ₱64 sa meals kada araw, hindi hikahos sa pagkain