October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Willie Revillame, hiniling na intindihin pagiging magagalitin niya

Willie Revillame, hiniling na intindihin pagiging magagalitin niya
Photo Courtesy: Screenshots from TV5 (YT)

Nagbigay ng mensahe ang TV host na si Willie Revillame sa pagdiriwang ng unang buwang pag-ere ng kaniyang programang “Wil to Win.”

Sa isang episode ng nasabing programa noong Huwebes, Agosto 15, hiniling ni WIllie na sana ay maintindihan umano ng tao ang pagiging magagalitin niya.

Matatandaang maraming netizens ang nagsabing tila nahahawa raw sila sa stress ni Willie nang magalit ang TV host sa production staff ng show dahil sa umano’y kapalpakan.

MAKI-BALITA: Imbes marelax: Netizens, na-stress daw sa panonood ng show ni Willie Revillame

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

MAKI-BALITA: Willie uminit-ulo, pinagalitan ang production staff ng 'Wil To Win' sa ere

“Maaaring ‘yong iba, hindi ako naiintindihan. Nagagalit ako sa ere, pinapahiya ko ang staff, hindi ho ‘yon ‘yon. Gusto kong maging maayos ang programang ito. Dapat tama ang gagawin,” saad ni WIllie.

“Marami na akong pinagdaanan. [...] Kaya nga sana maintindihan n’yo kung ako ho e nagagalit sa ere dahil una, nire-rehearse namin ‘yan, e. Bago kami pumasok dito, nagre-rehearse kami,” aniya.

Dagdag pa ng TV host: “Ang point ko lang, bakit pa nagkakamali? Ibig sabihin, wala sa puso at isip ang ginagawa mo…Humihingi ako ng paumanhin sa mga nasaktan pero ang akin lang hong purpose, mapaganda ang programa sa bawat Pilipinong nanonood.”

Samantala, sa huling bahagi ng kaniyang pananalita, pinabulaanan ni Willie ang tungkol sa kumakalat na tsismis na hanggang Disyembre na lang umano ang itatagal ng “Wil to Win” sa ere.

MAKI-BALITA: Willie Revillame sa tsikang tsutsugiin ang 'Wil to Win:' 'Hindi kami papayag!'