September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Nagkataon lang?' Luxurious brand ng necklace na iniendorso ni Pia, suot ng aso ni Heart?

'Nagkataon lang?' Luxurious brand ng necklace na iniendorso ni Pia, suot ng aso ni Heart?
Photo Courtesy: Vogue Philippines, Heart Evangelista (IG)

Mukhang naintriga ang mga netizen sa Instagram post ni Kapuso star at socialite Heart Evangelista kung saan makikita na suot-suot ng aso niya ang isang mamahaling kwintas na mula umano sa isang luxurious brand, na sinasabi nilang ineendorso ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. 

“Heiress @pandaongpaucoescudero #aspinclub,” sey ni Heart sa naturang post.

Noong Hunyo 18 ay inanunsiyo ng Vogue Philippines na si Pia ang newest ambassador ng Bvlgari, isang luxurious brand na nagbebenta ng mamahaling alahas, relo, atbp.

Umani tuloy ng mga makahulugang reaksyon mula sa netizens sa naturang post ng Kapuso star. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Oh my goodness, the necklace "

" Playtime!!! Hahahaha"

"Our one and only Queen P. The sassiest fashionista doggo in the world! "

"The glittery shade is blindingggg"

Maging ang direktor na si Darryl Yap ay nagbahagi rin ng reaksyon hinggil dito sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Ayon sa direktor: “Matutulog na lang ako, nakita ko pa itong post ni Heart Evangelista sa Instagram, ipinasuot nya yung BVLGARI nya sa aso nya—eh ang endorser ng Bvlgari eh si Pia Wurtzbach.”

“I’m sure nagkataon lang to at walang kinalaman sa away nila at ng gulo sa dating team ni Heart na ngayon ay na kay Pia,” dugtong pa ni Darryl.

Matatandaang Hulyo noong nakaraang taon nang mapabalitang nagkaroon umano ng gusot sa pagitan ni Heart at ng kaniyang dating glam team.

MAKI-BALITA: ‘Nag-unfollowan pa!’ Heart, nilayasan na raw ng glam team?