December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ex-boyfriend ni Karla Estrada, may pa-soft launch sa bagong jowa?

Ex-boyfriend ni Karla Estrada, may pa-soft launch sa bagong jowa?
Photo Courtesy: Jam Ignacio, Karla Estrada (IG)

Flinex ng umano’y ex-boyfriend ni TV host-actress Karla Estrada na si Jam Ignacio ang picture nila ng rumored girlfriend nitong si Jellie Aw.

Sa latest Instagram post ni Jam nitong Biyernes, Agosto 16, ibinida niya ang tila puzzle na larawan kung saan makikitang yakap niya si Jellie.

Walang nakasaad na caption sa post o anomang kumpirmasyon na sila ay may relasyon. Pero hindi ito ang unang beses na nagbahagi si Jam ng larawan nila ng babae.

Batay sa IG bio ni Jellie, siya umano ay isang influencer, ambassador, BS HRM graduate, at resident disc jockey.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kaya naman, tila nagsimulang maintriga kamakailan ang mga netizen sa kasalukuyang kalagayan ng relasyon nina Karla at Jam.

Kapag binisita kasi ang Instagram account ni Karla, makikitang hindi na siya naka-follow sa non-showbiz boyfriend niyang si Jam Ignacio. Gayundin naman ang huli kay Karla.

Bukod dito, burado na rin umano sa Instagram account ni Jam ang mga larawan nila ni Karla. Pero sa Facebook account ni Karla, naroon pa rin naman ang huling larawan nila ni Jam noong Marso 2023.

Palaisipan tuloy sa maraming netizens kung hiwalay na ba ang dalawa o sadyang may pinagdadaanan lang ang kanilang relasyon katulad ng tipikal na mag-jowa.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Jam at Karla tungkol sa nasabing intriga.

Matatandaang unang naispatang magkasama sina Karla at Jam sa ginanap na anniversary party ng District 8 restobar sa San Juan City noong Agosto 2019.

MAKI-BALITA: Karla Estrada, hiwalay na sa non-showbiz boyfriend?