September 12, 2024

Home FEATURES Trending

EJ Obiena, nag-react sa lalaking kamukha niya sa isang wafer stick brand

EJ Obiena, nag-react sa lalaking kamukha niya sa isang wafer stick brand
Photo Courtesy: EJ Obiena (IG)

Nagbigay ng reaksiyon ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa kumakalat na meme kung saan makikita ang larawan nila ng cartoon character ng isang kilalang wafer stick brand.

Sa Instagram story ni EJ nitong Huwebes, Agosto 15, sinabi niya na bumalik lang siya ng bansa at pagkatapos ay naging meme na lang siya bigla.

“Flew back then suddenly I’m a meme,” saad ni EJ sa text caption ng kaniyang IG story,

Hindi tuloy naiwasang maglitawan ang mga biro na sana raw ay kuning endorser ng nasabing produkto ang Pinoy vaulter.

Trending

'Ihi lang daw?' Post ng nanay na may nakita raw semilya sa ari ng anak, ikinaalarma

Matatandaang itinampok din ang meme sa Facebook page na "Klasik Titos and Titas of Manila" noong Miyerkules, Agosto 14.

Umani ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Official Merch na toooo. Bukod sa Milo abaaa."

"Sana bigyan siya ng unlimited o lifetime supply hahaha."

"Lifetime supply of stick-o for EJ Obiena please. Tapos balato na din sa akin."

"Hala, may mukha na ang Stik-O hahaha, sana gawin siyang endorser.”

Naiposisyon ni EJ ang sarili sa ikaapat na puwesto sa ginanap na pole vault finals sa Paris Olympics 2024 kamakailan.