September 13, 2024

Home BALITA National

PBBM, inilipat sa August 23 ang holiday para sa Ninoy Aquino Day

PBBM, inilipat sa August 23 ang holiday para sa Ninoy Aquino Day
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Inilipat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang special non-working holiday para sa Ninoy Aquino Day mula Agosto 21, Miyerkules, patungo sa Agosto 23, Biyernes.

Base sa Proclamation No. 665, sa halip na sa Miyerkules, kung kailan gugunatain ang Ninoy Aquino Day, inilipat daw ang holiday sa Biyernes para raw sa long weekend.

“In order to provide for a longer weekend thereby promoting domestic tourism, the celebration of Ninoy Aquino Day may be moved from 21 August 2024 (Wednesday) to 23 August 2024 (Friday), provided that the historical significance of Ninoy Aquino Day is maintained,” nakasaad sa proklamasyon.

“NOW, THEREFORE, I, FERDINAND R. MARCOS, JR., President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by law, do hereby declare Friday, 23 August 2024, as a special (non-working) day throughout the country,” dagdag pa.

National

Bagyong 'Bebinca' nakapasok na ng PAR, tinawag nang 'Ferdie'

Idinideklarang holiday ang Agosto 21 kada taon bilang paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong Agosto 21, 1983.

BASAHIN: BALITAnaw: Si Ninoy Aquino at ang pagsiklab ng EDSA 1