September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Marco Gumabao, tinadtad ng tanong kung sila pa ni Cristine Reyes

Marco Gumabao, tinadtad ng tanong kung sila pa ni Cristine Reyes
Photo courtesy: Marco Gumabao (IG)

Nabulabog ang comment section ng isa sa mga Instagram post ng hunk actor na si Marco Gumabao matapos usisain ng netizens kung sila pa o hiwalay na sila ng jowang si Cristine Reyes.

Nag-Instagram post kasi si Marco tungkol sa kaniyang katatapos na pagdiriwang ng 30th birthday.

"Not so Dirty Thirty " ani Marco sa caption.

"Grabe, parang kailan lang 29 palang ako, ngayon 30 yrs old na "

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

"Of course I wanna thank God for all the blessings that he has given me. Also all the trials, hardships and lessons that came in my life because that’s what made me to the man I am today. "

"At sympre, sa mga tugang kong bicolano sa partido igwa po akong regalo para saindo gabos. ako po ay mapa birthday concert sa Goa central school para saindo sa Petsa desiotso mapoon ning alasais ning banggui, dadarahon kopo saindo sa @adadieee asin si @aljames para sympre makapag tao po saindo nin kaugmahan, sa gabos po mag hirilingan kita duman."

Ang mga netizen, tila napansing wala raw sa celebration si Cristine at hindi rin binanggit ng aktor ang jowa sa kaniyang post.

Kaya tanong nila, bakit wala raw ang girlfriend sa isa sa mahahalagang selebrasyon sa buhay ng isang tao, lalo't bantad naman na sa lahat ang kanilang relasyon.

"Napansin ko lang bat wala si cristine reyes sa celebration"

"wala n kayo ni AA? sayang nman"

"Bakit di mo minention si Cristine?"

Sinilip din ng mga marites ang Instagram account ni Cristine upang i-check kung fina-follow pa niya si Marco ngunit naka-deactivate ito. Ganoon kasi ang kalakaran ngayon ng mga "uzi" para kumpirmahin kung may something na nga sa magkarelasyon, gayundin kay Marco.

Dahil nga naka-deactivate si Cristine, hindi lilitaw sa following ni Marco ang account ng jowa. Mapapansing nasa account pa niya ang larawan nila ni Tine na pinost pa noong July 29. 

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Marco at Cristine tungkol sa isyu. Nakipag-ugnayan ang Balita sa kani-kanilang social media accounts subalit wala pa silang tugon.