September 19, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Lea Salonga, aprub sa apela ni BINI Gwen sa pagrespeto ng privacy

Lea Salonga, aprub sa apela ni BINI Gwen sa pagrespeto ng privacy

Sang-ayon si Broadway Diva at Filipino pride Lea Salonga sa naging panawagan ni Gwen Apuli, isa sa mga miyembro ng Nation's all-female Pinoy pop group na "BINI," patungkol sa pagrespeto ng fans sa kanilang privacy.

Sa kaniyang X post ay sinita ni BINI Gwen ang ilang fans na nangangatok pa sa pinto ng kanilang hotel rooms para magpa-picture.

Hiling ni Gwen, na hiling din ng kaniyang mga kasama, na igalang sana ng fans ang kanilang personal at pribadong oras.

MAKI-BALITA: 'Nangangatok pa!' BINI Gwen umapelang irespeto privacy

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Ibinahagi naman ni Lea sa kaniyang Instagram stories ang ilang screenshots ng ulat patungkol dito.

Aniya sa text caption, "SAY IT WITH ME... RESPECT BOUNDARIES!"

"Hate me all you want for beating the drum loudly about this (I'll gladly be the villain in your story) but the entitlement and disrespect is just too much! The ladies of BINI are human beings!"

Matatandaang nalagay rin sa isyu si Lea nang sitahin niya ang isang fan na walang kaabog-abog na sinundan siya sa dressing room para magpa-picture.

MAKI-BALITA: Lea Salonga: 'I have boundaries, do not cross them'

Pinaunlakan niya naman ang mga ito subalit lumabas siya ng dressing room at nagtungo sa isang spot ng concert venue para pagbigyan ang picture-taking, subalit "minasama" ng fan ang tila pa-lecture niya sa kanila.

Nagpainterbyu naman sa media ang fan at sinabing alam daw niya ang pagkakamali, subalit pakiramdam daw niya, isa siyang "ipis" na tinapak-tapakan at "kutong" tiniris matapos ang paninita ng kaniyang idolo.

MAKI-BALITA: Fan parang ipis na tinapakan, kutong tiniris daw sa ginawa ni Lea