September 18, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

'Happy for you!' Reunion movie ng JoshLia, ₱20.5M agad sa takilya!

'Happy for you!' Reunion movie ng JoshLia, ₱20.5M agad sa takilya!
Photo courtesy: Tempo/Star Cinema (IG)

Ibinida ng Star Cinema at ABS-CBN na pumalo agad sa ₱20.5 milyon ang kinita sa first day pa lamang ng "Un/Happy For You," reunion movie ng dating real at reel couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto o kilala sa tambalang "JoshLia."

Co-production ito ng Star Cinema, ABS-CBN Film Productions, at Viva Films. Si Julia ay contract artist ng VIva Artists Agency. 

Ayon sa Instagram post ng Star Cinema, ang comeback movie ng dalawa ay maituturing na "biggest opening gross of a local film this year."

Nagsimulang mapanood sa higit 230 sinehan nationwide ang pelikula ng dalawa nitong Miyerkules, Agosto 14.

Pelikula

'Kinilabutan ako!' Unang pasilip sa 'Hello, Love, Again,' umani ng reaksiyon

Masayang-masaya naman ang fans sa tagumpay ng dalawa, na kahit alam naman ng lahat na may kani-kanilang lovelife ay hindi pa rin nawawala ang chemistry on-screen.

Huling proyektong pinagsamahan ng dalawa ay music video ng awiting "Paubaya" ni Moira Dela Torre, na talaga namang nag-trending dahil sa makatotohanan nilang mga pahayag sa isa't isa, na nagpakurot sa puso at nagpaluha sa mga mata ng netizens.

Asahan pang lolobo ang kita ng pelikula sa mga susunod pang mga araw.

MAKI-BALITA: JoshLia, may ginawa ulit together matapos ang break-up