September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ara Mina, nagsalita sa tsikang hiwalay na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao

Ara Mina, nagsalita sa tsikang hiwalay na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao

Nagsalita ang aktres na si Ara Mina patungkol sa kumakalat na tsikang hiwalay na ang kapatid na si Cristine Reyes sa boyfriend nitong si Marco Gumabao.

Nabulabog ang comment section ng isa sa mga Instagram post ng hunk actor matapos usisain ng netizens kung sila pa o hiwalay na sila ng jowa, matapos mapunang tila hindi niya binanggit sa post si Cristine, at wala raw ito sa birthday celebration.

"Not so Dirty Thirty " ani Marco sa caption.

"Grabe, parang kailan lang 29 palang ako, ngayon 30 yrs old na."

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

"Of course I wanna thank God for all the blessings that he has given me. Also all the trials, hardships and lessons that came in my life because that’s what made me to the man I am today. "

"At sympre, sa mga tugang kong bicolano sa partido igwa po akong regalo para saindo gabos. ako po ay mapa birthday concert sa Goa central school para saindo sa Petsa desiotso mapoon ning alasais ning banggui, dadarahon kopo saindo sa @adadieee asin si @aljames para sympre makapag tao po saindo nin kaugmahan, sa gabos po mag hirilingan kita duman."

MAKI-BALITA: Marco Gumabao, tinadtad ng tanong kung sila pa ni Cristine Reyes 

Lalong lumakas ang ingay na baka hiwalay na raw ang mag-jowang matapos masilip ng mga online marites na naka-deactivate ang Instagram account ng aktres.

Tila nagiging paraan na kasi ng mga netizen ang pag-check sa following status ng celebrities kung totoo ba ang mga kumakalat na tsika ng hiwalayan o kaya naman, alitan.

MAKI-BALITA: Hiwalay na kay Marco? Cristine, nag-deactivate ng IG account

Pero sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP sa kapatid ni Cristine na si Ara, natatawang sinabi raw nito na okay ang magkasintahan at hindi pa hiwalay.

Naka-social media detox daw ang kapatid dahil tutok ang atensyon nito sa upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) movie entry nina Vic Sotto at Piolo Pascual ngayong 2024.

Tila pinatutunayan naman ng My Day ni Cristine ang sinabi ni Ara matapos niyang ibida ang larawan nila ni Marco habang magkasama.

Nakalagay sa caption, "Mahal ko yan 30 na yan siya," at naka-tag pa sa account ni Marco.

So, kumalma na mga 'day at 'dong dahil safe pa ang buwan ng Agosto sa celebrity hiwalayan!