September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Nash kay Mika: 'Crush ko lang noon, asawa ko na ngayon!’

Nash kay Mika: 'Crush ko lang noon, asawa ko na ngayon!’
Photo courtesy: Mika Dela Cruz (IG)/Screenshots from Family Feud Philippines via GMA Network (FB)

Kinakiligan ng mga netizen ang pagpapakilala ng dating child star at ngayon ay politikong si Nash Aguas, sa kaniyang misis na si Mika Dela Cruz, nang maglaro sila sa Family Feud Philippines nitong Martes, Agosto 14.

Para sa kanilang family o team, ipinakilala ni Nash ang kaniyang misis na "Crush ko lang noon, asawa ko na ngayon!"

Kitang-kita naman ang matamis at malaking ngiti sa mga labi ni Mika dahil sa pa-intro sa kaniya ng mister!

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Grabe. Dati, napapanood ko lang sila sa TV. Higit na mas nakatatanda ako sa kanila kahit teen na 'ko no'n. Ngayon, naunahan na nila 'ko sa pag-aasawa! Haha!"

"Tapos yung anak nila sasali na sa Goin Bulilit tapos ikaw single ka pa rin."

"Palakasan nalang talaga ng guardian angel to, mukhang tulog pa yung akin."

"Grabe ang tanda ko na talaga hahahahahaha..."

"Yung ipinamumukha sa iyo na matanda ka na hahahaha."

"Sana all napapangasawa ang mga crush nila hahaha."

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong Mayo 18, sa pagkagulat ng lahat dahil wala talagang hint patungkol dito. 

Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2018, at pareho silang nagkasama sa children gag show na "Goin' Bulilit" sa ABS-CBN. 

MAKI-BALITA: Nash Aguas, Mika Dela Cruz ikinasal na!