September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Claudine Barretto, may ka-warla tungkol sa investment at pera

Claudine Barretto, may ka-warla tungkol sa investment at pera
Photo courtesy: Claudine Barretto (IG)

Makahulugan ang mga binitiwang pahayag ni Optimum Star Claudine Barretto patungkol sa isang taong tila nanloko raw sa ilang fans niya na may kinalaman sa pera at investment.

Sa kaniyang Instagram post nitong Agosto 13, sinabi ni Clau na hintayin ng kaniyang "Palanggas" o tawag sa fans ang kaniyang mga paglilinaw sa ilang mga isyung tahimik na pinagdaraanan na may kinalaman sa isang project o investment.

"Palanggas is will keep you all posted as to what time po ako mag la live.with special participation of some guests na kasali po sa issue na ito.but please before we judge since nakapag salita na sila ako naman at yung mga na biktima ang magsasalita.at the end of the day sana po maisip nyo kung bakit ko kailangan at i CLEAR yung mga Claudinians ko sa Cebu na tumaya ng malalaking halaga para lang mAkasama ako sa project at muntik na mailabas yung mga pera pi ng mga claudinians ng cebu kung d pa po hinold yung tao na ito," mababasa sa Instagram post ni Claudine, published as is.

Aniya pa, " will not name this person but d ko rin para i tolerate sya na d na ma contact at d na ibinalik ang pera ng mga claudinians na investors na pinangakuang ibabalik nalang po yung pera.pero claro po na d nya na balak ibalik yung hard earned money ng mga fans/investors gaya ng napg usapan po namin..salamat po and see u later sa live.have a nice day ahead & Godbless you all Pahabol ko lang po after maisiwalat na namin ng mga fans i will take this post down dahil ayoko na po ng NEGATIVITY AT AWAY"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"D rin kaya ng konsensya ko na iwanan sa ere at ipaglaban mga fans ko dahil pumasok lang sila at nag labas ng pera para po makasama lang ako.ayoko na po ng mga away away,Yung TOTOO lang po.kung may mga gusto i judge ako tatanggapin ko po dahil ako buong buhay ko d ako iniwan ni minsan ng mg claudinians at RYCB at ng mga bagong RYCB N GEN Z.diba dapat lang ipaglaban ko mga fans ko na naging parang mga kapatid ko na.inspite of everything that happened lalo namin minahal ang isat isa.wouldn't u have done the same kung kayo po ang nasa katayuan ko po.dapat ko ba ipaglaban at ipagtanggol mga taong tumaya dahil sa akin o bahala na sil sa buhay nila?sorry po pero d ko po pagkatao yun.maraming salamat sa lahat ng tao na naiintindihan ako t kung saan ako nang gagaling"

Bago ito, naging usap-usapan din ang Instagram post ni Clau noong Agosto 6 patungkol naman sa mga kaibigang "ahas."

Sa panayam at ulat ng PEP, tila ang pinatutungkulan daw ng parinig posts ni Claudine ay kaniyang BFF na si Janelle Jamer at Tia Perfecto, bagay na aware naman daw si Janelle.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilababas na opisyal na pahayag si Claudine o si Janelle tungkol dito.