September 20, 2024

Home SPORTS

Chloe San Jose, sinagot isyung nagseselos kay Coach Hazel Calawod

Chloe San Jose, sinagot isyung nagseselos kay Coach Hazel Calawod

Nagsalita na ang jowa ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose patungkol sa "tsismis" na ipinakakalat ng social media personality na si Xian Gaza, patungkol sa umano'y pagseselos niya sa sports occupational therapist ng two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast, kaya hindi ito mai-post sa social media o mapasalamatan man lamang sa mga panayam sa media.

Ayon kasi kay Xian, nasagap daw niya na tila nagseselos daw si Chloe kay Coach Hazel, kaya kung mapapansin daw, madalang na mabanggit ni Caloy ang sports occupational therapist dahil pinipigilan daw ng jowa.

"TSISMIS FROM VERY RELIABLE SOURCE: Hindi daw pinapayagan ni Chloe na i-post ni Carlos Yulo yung coaching team niya kasi daw ayaw nitong masapawan. Kaya pala silang dalawa lang palagi ang ina-upload ni Caloy. Nagseselos pala si Chloe," mababasa sa Facebook post ni Xian.

Iginiit pa ni Xian na sino nga naman daw ba ang hindi ma-insecure kay Coach Hazel gayong bukod sa graduate ito ng Harvard University, lutang na lutang din ang ganda nito, bukod sa single pa.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sitsit pa ni Xian, "Thank you for inspiring our olympic gold medalist, Coach Hazel. Pasensya na kung hindi ka niya maipagmalaki. Don't worry, proud ako sayo."

Pang-aasar pa niya kay Chloe, "kaya pala nakasungkit ng dalawang ginto may dalawang inspirasyon."

Nakaabot sa kaalaman ni Chloe ang tungkol sa post ni Xian kaya ni-reshare niya ito at agad na nilinaw na maayos ang relasyon nila ni Coach Hazel.

"wag kayong issue, kung ano ano na lang talaga no. me and coach Lyn Hazel (loafie) are good good friends," aniya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Coach Hazel patungkol sa isyu, gayundin sa mga "nagshi-ship" sa kanilang dalawa ni Carlos, kahit alam naman ng lahat na taken na ito.