September 10, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Heart, todo-tanggol kay SP Chiz sa isyu ng pagtapyas sa holidays

Heart, todo-tanggol kay SP Chiz sa isyu ng pagtapyas sa holidays
Photo courtesy: Love Marie Escudero (YouTube)

Mismong si Kapuso star Heart Evangelista ang sumasalag sa mga netizen na umuurot sa mister niyang si Senate President Chiz Escudero na huwag tapyasan o bawasan ang holidays sa Pilipinas.

Matatandaang naging usap-usapan ang naging naunang pahayag ni Escudero kamakailan kung saan plano umanong limitahan ang mga holiday sa Pilipinas sapagkat nagiging “less competitive” daw ang mga kompanya at manggagawa sa bansa.

"Kung 22 araw lang ang trabaho sa isang buwan, eh di parang may isang buong buwan na hindi nagtratrabaho ang manggagawa," ani Escudero. "Layunin lang namin na maging mas competitive ang Pilipinas.”

Matapos umani ng mga reaksiyon at komento, kumambyo si Escudero at sinabi niyang hindi naman babawasan ang holidays; bagkus, iiwasan nang dagdagan dahil masyado na raw marami.

Tsika at Intriga

'Marian Rivera,' bet makatrabaho at makausap si Karylle

"Ang polisiya ng Senado ay huwag nang dagdagan, hindi naman bawasan," ani Escudero.

"Huwag nang dagdagan pa at i-rationalize na 'yan," saad pa niya.

Binanggit din ng Senate president na mahabang proseso kung aalisin ang mga nakasanayan nang holidays sa bansa, at hindi raw ito prayoridad ng Senado.

"Paano mo naman tatanggalin yung mga holiday na nakasanayan na? Mahabang proseso ‘yon. Hindi kakayanin ‘yan ng kasalukuyang Kongreso," saad ni Escudero.

MAKI-BALITA: SP Chiz kumambyo, may klinaro hinggil sa plano sa PH holidays

Sa isinagawang TikTok Live ni Heart kasama ang mister, mismong si Heart na ang nagpaliwanag sa "makukulit" na netizen na nakikiusap kay SP Chiz na huwag nang bawasan ang holidays.

"'Huwag pong bawasan ang holiday [komento ng netizen],' hindi po babawasan ang holiday, fake news, hindi lang dadagdagan pa," giit ni Heart habang natawa naman si Chiz.

"Okay na 'yan, darling," maririnig na sansala ni Chiz sa kaniyang wifey.

Pero nagpatuloy pa rin si Heart, "So huwag na po kayo uminit-ulo dahil hindi po siya babawasan. Na-fake news na naman tayo. Masyadong active sa social media."

"Kung anoman po 'yon, iyon na po 'yon, hindi lang madadagdagan," paliwanag pa ni Heart.