January 15, 2025

Home BALITA National

Habagat, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng PH

Habagat, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng PH
Courtesy: PAGASA/website

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes, Agosto 13, na ang southwest monsoon o habagat ang patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Ilocos Region, Zambales, Batanes, at Babuyan Islands bunsod ng habagat.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Bukod dito, inaasahan ding magdudulot ang habagat ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila, mga natitirang bahagi ng Luzon, Western Visayas, at Negros Island Region.

National

De Lima sa impeachment ni VP Sara: 'The time to act is now!'

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms din naman ang posibleng maranasan sa mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa nasabing mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay patuloy namang binabantayan ng PAGASA ang bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na may international name na Ampil.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Tropical Storm Ampil 1,570 kilometro ang layo sa east northeast ng Extreme Northern Luzon.

Malayo naman daw ang bagyo sa kalupaan kaya’t inaasahang wala itong magiging epekto sa alinmang bahagi ng bansa.