December 23, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Alden Richards, co-producer ng isang international film

Alden Richards, co-producer ng isang international film
Photo courtesy: Alden Richards (IG)

Level-up na talaga si Kapuso star Alden Richards dahil kahit pinasok na niya ang pagpo-produce ng mga pelikula locally, this time around, pang-international na siya!

Malugod niyang inanunsyo sa Instagram post ang pagiging co-producer niya ng isang international film na may pamagat na "Death March" at pagbibidahan ni British actor Scott Adkins na nakilala sa pelikulang "John Wick," atbp.

Si Alden ang founder ng production company na "Myriad Entertainment" at co-producer niya rito ang NCB at LLC. Ang magiging direktor nito ay si Louis Mandylor.

Ayon kay Alden, ang mga artista sa pelikula ay pagsasama-sama ng talents mula sa Europe, Amerika, Japan, Australia, at maging sa Pilipinas. Bongga!

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

"Thrilled to co-produce a film that brings together talents from the Philippines, US, Europe, Australia and Japan. Can’t wait to unveil this journey with the world!" ani Alden.

Sa comment section ay marami ang nagpaabot ng pagbati para kay Alden lalo't ito raw ang unang international film project ng Myriad.

"Step by step and you’re moving towards achieving your dreams for Myriad Entertainment. Congrats kyaaah!"

"Woah. Ibang level na talaga, paps!! so excited for your new ventures!! Don’t worry, we’ve gotchu."

"Congrats, Mr.CEO and Myriadcorp01! Luv u miz u my Tisoy mwahhh!!!"

"We are so, so, proud of you Alden! Keep soaring high!"

Sa ngayon ay abala si Alden sa shooting ng pelikulang "Hello, Love, Again," ang sequel ng kanilang "Hello, Love, Goodbye" ni Kathryn Bernardo.