September 10, 2024

Home BALITA National

Romualdez, sinusunod 'action speaks louder than words' sa pamumuno -- Barbers

Romualdez, sinusunod 'action speaks louder than words' sa pamumuno -- Barbers
Mula sa kaliwa: Rep. Robert Ace Barbers at House Speaker Martin Romualdez (MB file photo)

Iginiit ni Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers na isinasabuhay ni House Speaker Martin Romualdez ang kasabihang “action speaks louder than words” sa kaniyang pamumuno sa House of Representatives, dahilan kaya tumaas daw ang satisfaction rating nito.

Matatandaang lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na tumaas sa 16 puntos ang satisfaction rating ni Romualdez, mula sa 37% noong Marso 2024 hanggang sa 53% nitong Hulyo 2024. 

“Congratulations to Speaker Martin for gaining 16 points increase in his satisfaction rating. This only proves that truly in his steering of the House, he follows the dictum of ‘action speaks louder than words," ani Barbers sa isang pahayag na inulat ng Manila Bulletin nitong Lunes, Agosto 12.

Ayon pa kay Barbers, bagama’t maraming bumabatikos ay nararamdaman daw ng taumbayan na nagtatrabaho ang Kongreso para sa mga Pilipino.

National

VP Sara, nag-resign sa DepEd dahil kinuha raw nina Romualdez at Co ang budget ng ahensya

"Ramdam ng taongbayan ang trabaho ng Kongreso ngayon bagamat maraming bumabatikos ngunit hindi mababago ang direksyon na ihatid ang serbisyo ng gobyerno sa tao at gawing layunin ang tunay na pagbabago sa ilalim ng Bagong Pilipinas,” anang mambabatas.

"No politics, no non-sense in the bills passed, no let up in the inquiries conducted by the committees and no sacred cows or special treatment to anyone.”

"Ito ay trabaho lang walang personalan," saad pa niya.