September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Paulo Avelino, ipinakilala na si Kim Chiu sa anak niya kay LJ Reyes?

Paulo Avelino, ipinakilala na si Kim Chiu sa anak niya kay LJ Reyes?
Photo Courtesy: MJ Felipe (FB), LJ Reyes (IG)

Ipinakilala na raw ni Kapamilya star Paulo Avelino sa ka-love team niyang si Kim Chiu ang kaniyang anak kay LJ Reyes na si Aki.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Agosto 12, sinabi ng co-host ni showbiz columnist Cristy Fermin na  si Romel Chika siguradong-sigurado raw siya na ipinakilala na ni Paulo kay Kim ang anak nito dahil sa mga larawan umanong naglabasan.

“Ako, sure na sure kasi no’ng maraming picture na naglabasan na namamasyal ang mag-ama….’yon talaga ang inisip ng lahat. Sabi nila: ‘Ay, magkakasama silang tatlo. Nakakatuwa naman,” saad ni Rommel.

“At pagkatapos niyon,” sundot naman ni Cristy, “finollow ni LJ Reyes si Kim Chiu sa IG.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“At nag-follow-han na sila, Nanay,” dugtong pa ni Rommel.

Para makasiguro kung totoo ang nasabing tsika, binista ng Balita ang Instagram account nina Kim at LJ. 

Pareho ngang naka-follow ang dalawa sa isa’t isa bagama’t hindi tiyak kung matagal na o recently lang nila ito ginawa.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang mga nabanggit na personalidad para kumpirmahin o pabulaanan ang nasabing kuwento.

Matatandaang nagsimulang mabuo ang loveteam nina Kim at Paulo nang makitaan sila ng chemistry sa pagganap nila sa TV series na “Linlang”. 

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

Tila nagustuhan naman ng madla ang kanilang tambalan dahil nasundan pa ito ng isa pang serye na “What’s Wrong with Secretary Kim?” sa ilalim ng Viu at ABS-CBN na pinroduce ng Dreamscape Entertainment.

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?