September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Mon Confiado, nagsampa na ng kaso sa content creator na gumawa ng pekeng kuwento

Mon Confiado, nagsampa na ng kaso sa content creator na gumawa ng pekeng kuwento
Photo Courtesy: Mon Confiado (FB)

Tuluyan nang nagsampa ng kaso ang versatile actor na si Mon Confiado laban kay ”Ileiad,” isang content creator na ang tunay na pangalan ay Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto.

Sa latest Facebook post ni Mon nitong Lunes, Agosto 12, sinabi niya na sana raw ay maging aral sa lahat ang ginawa ni Ileiad.

“Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD,  ako ay isang tahimik na tao. Never na nasangkot sa kahit isa o anumang mang gulo sa buong buhay ko. Wala ako ni isang kaaway o nakaaway man lang,” saad ni Mon. 

“Ako ay tahimik na nagtratrabaho lamang bilang aktor. At bilang aktor, ang aking pangalan ay aking pinagkaka ingat-ingatan dahil ito ang aking puhunan para ako ay makakuha ng trabaho,” aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa niya: “Ngunit ako ay nagulat dahil biglang direktang ginamit mo ang aking pangalan at larawan ng walang pasintabi sa isang joke na tinatawag niyong ‘copypasta.’”

Paliwanag ni Mon, kahit pa isang joke o meme lang umano ang ibinahaging post ni Ileiad, hindi pamilyar ang lahat ng tao sa “copypasta” lalo na’t marami ang paniwalain sa mundo ng social media.

Kaya tanong niya: “Paano kung dahil sa maling pagkakaintindi sa joke mo ay maapektuhan ang aking mga trabaho? Dapat ba ay tumahimik lang ako? Dapat ba ako pa ang mag adjust at pabayaan ko na lang at huwag na ako mag react?”

“Ngayon, Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD. Gusto kong ipaalam sa iyo na ang inihain kong kaso sa NBI ay HINDI JOKE. Ito ay TOTOO. Seseryohin natin ito para maging aral sa ating lahat. I’m looking forward to personally meet you in court Mr. Jeff Jacinto. God Speed,” pahabol pa ng aktor.

Matatandaang sa isang post ni Ileiad ay ginamit niya ang larawan ni Mon at ginawan ng pekeng kuwento kung saan pinalalabas niyang nagnakaw umano ang aktor at pinagsisigawan ang cashier ng isang grocery.

MAKI-BALITA: Mon Confiado, pinatulan content creator na pinalalabas siyang magnanakaw