September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Kanino pinakamaitim?' ToRo girls, nagpakitaan ng pempem

'Kanino pinakamaitim?' ToRo girls, nagpakitaan ng pempem
Photo courtesy: Screenshots from ToRo family (FB)

Naloka ang fans at netizens sa ibinahaging Facebook reel sa opisyal na Facebook page ng "ToRo Family" matapos magpakitaan ng "pempem" ang mga babaeng miyembro nito, kagaya na lamang ni Papi Galang.

Makikitang naka-blur naman ang mga pempem ng ToRo girls, at ang sabi sa caption, sino raw kaya sa kanila ang may maitim na pempem.

Pero ang mas ikinaloka ng mga netizen, naispatan din sa pabidahan ng girls si Vince Flores o "Tito Vince" na jowa ni Toni Fowler.

Hindi na bago sa ToRo family ang mga ganitong content, at ang lately nga na talagang binatikos sila ay ang panganganak ni Papi Galang na nakabuyangyang ang kaniyang kiffy sa harapan ng lahat dahil naka-water birth ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

MAKI-BALITA: 'Water birth' ni Papi Galang habang pinapanood ng Toro Family, umani ng reaksiyon

May ilang mga natawa, naaliw, subalit marami rin ang hindi nagustuhan ang pinaggagawa nila. May mga humikayat pa ngang i-mass report daw ang page.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Pati si tito Vince nakisilip Kay papi..."

"Mass report this account..."

"wala na ba kayong dignidad?"

"Guys kung ayaw n'yo sa content nila, wag n'yo panoorin. Normal lang 'yan sa mga magkakaibigan, ang nangyari lang is shinare nila since content creators sila and may followers."

"Parang di na kayo nasanay sa ToRo family hahaha."

"Walang mga delikadesa at mga respeto sa privite part nila kahit sabihin na nila na nakita na ng buong toro fam pano naman ung mga bata na makakapanuod "

"Sana naman po di nyo na pinost sa social media para lang makaget ng atensyon...nakakalungkot isipin na ganeto mga mindset nyo..."

Facebook

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang ToRo girls sa mga kritisismong natatanggap nila sa nabanggit na video.