September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Joshua Garcia, Julia Barretto minahal nang todo ang isa't isa

Joshua Garcia, Julia Barretto minahal nang todo ang isa't isa
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT)

Kahit hindi sumalang sa “EXpecially For You,” nakorner pa rin ng tanong ang ex-celebrity couple na sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa isang episode ng “It’s Showtime” kamakailan.

Matapos kasing tanungin sa nasabing segment ang guest player at ang ex nito kung ibinuhos ba nila nang todo ang pagmamahal sa isa’t isa, sunod namang inusisa ng aktres na si Bela Padilla ng kaparehong tanong sina Julia at Joshua na nag-guest sa “It’s Showtime” para i-promote ang movie nilang “Unhappy For You.”

“Si Julia kaya saka si Joshua, nagmahal din kaya nang todo?” tanong ni Bela.

Sagot ni Julia: “Buhos, syempre.”

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Sobra-sobra. Buhos din,” segunda naman ni Joshua.

Dagdag pa ng aktor: “Hindi ko na-experience magpigil [ng pagmamahal]...Saka that was the time na mga bata pa kasi talaga kami. So, malala kaming magmahal.”

Matatandaang bago pa man ito ay nauna na silang tuksuhin ni Bela nang tanungin niya ang dalawa kung ayaw ba nilang sumali sa “EXpecially For You.”

Ang “EXpecially For You” kasi ay isang segment sa “Showtime” kung saan ang searchee o guest player ay tutulungan ng kaniyang ex-partner na makahanap ng bagong pag-ibig.

MAKI-BALITA: Bela Padilla, pinasasali sina Joshua at Julia sa 'EXpecially For You'