September 11, 2024

Home SHOWBIZ

'ANYARE?' Ms. Catering, pinangakuan ni Karla Estrada na maging P.A. noon, 'di raw natuloy

'ANYARE?' Ms. Catering, pinangakuan ni Karla Estrada na maging P.A. noon, 'di raw natuloy
screenshots: ABS-CBN Entertainment/YT, Ogie Diaz/YT

Ibinunyag ni Amor Carias, o mas kilala bilang "Ms. Catering" sa social media, na pinangakuan umano siya noon ng TV host-actress na si Karla Estrada na maging personal assistant (PA) nito pero hindi raw natuloy. 

Sa kaniyang interview sa vlog ni Ogie Diaz, nabuksan ang topic tungkol sa alok ni Karla kay Ms. Catering na maging P.A. nito.

"Dati Ms. Catering nag-guest ka sa Magandang Buhay tapos parang nangako si Karla Estrada sa'yo na gagawin ka niyang P.A., anong nangyari doon?" usisa ni Ogie.

"No'ng time kasi na 'yun na ininterview ako, mga 3 days nagsara na 'yung ABS-CBN, nag-stop. Na-hack din 'yung account ko kaya parang wala na hinayaan ko na lang," sagot ni Ms. Catering.

Tsika at Intriga

Suporta sa Tanging Ina ni Caloy: Ai Ai, bibili sa live selling ni Angelica

"Pero may pinangako siya na kukunin niya akong P.A. pero walang nangyari. Nagkita nga kami dito sa lugar namin, hindi ko alam kung naalala niya ako. Pero hindi naman ako [nagtampo]... okay lang, hindi naman ako nagkaroon ng galit," dagdag pa niya.

Biro niya, "Kung gusto niya siya na lang kunin kong P.A... Joke lang."

"Gaga ka," sey naman ni Ogie. 

Ang naturang interview ni Ms. Catering, base sa inupload na video ng ABS-CBN sa kanilang YouTube channel, ay noong 2020—kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

"Punta ka na rito sa akin gagawin kitang ano kasa-kasama. P.A.. Gusto mo bang mag-personal assistant?" tanong ni Karla na hindi tinanggihan ni Ms. Catering.

"Sige pagkatapos ng lockdown dito ha. Pumunta ka sa akin tapos mag-video tayo habambuhay ng mga kabaliwan nating dalawa," sey pa ni Karla.

Habang isinusulat ito, wala pang pahayag si Karla tungkol sa ibinunyag ni Ms. Catering.