January 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tito Mars, tinalakan mga gurong nagrereklamo sa haba ng oras ng trabaho

Tito Mars, tinalakan mga gurong nagrereklamo sa haba ng oras ng trabaho
Photo courtesy: Screenshots from Tito Mars Official (FB)

Nag-react ang social media personality na si Tito Mars sa isang balita patungkol sa daing ng ilang mga guro sa anim o higit pang oras ng trabaho kada araw, sa pinagsamang pagtuturo at iba pang workload.

Ayon sa ulat ng "Frontline Tonight" sa TV5/News 5, idinadaing ng ilang guro ang pagtuturo nila ng anim na oras o higit pa alinsunod sa ipinatutupad ng Department of Education (DepEd), dahil tila apektado na rin nito ang kanilang kalusugan.

Ginawan ito ng reaction video ni Tito Mars na may caption na "Gusto ata ng mga teacher halfday lang sila. Gusto ata ng mga teachers half-day lang trabaho nila..."

Mismong reaksiyon ng content creator sa video, "Talaga ba? Anim na oras inirereklamo ng ilan sa inyo? Eh 'di mag-half day na lang kayo," ani Tito Mars. "Mag-four hours a day na lang kayo ng trabaho, hindi kayo nahiya? Hindi kayo nahiya sa ibang mga manggagawa lalong-lalo na sa mga healthcare workers na kung minsan umaabot ng 12 hours 'yong duty pero wala tayong naririnig? Wala tayong naririnig na pagrereklamo nang ganiyan?"

Tsika at Intriga

Mavy Legaspi, Ashley Ortega namataang magkasama sa Cebu

Giit pa ni Tito Mars, gusto na lang daw yata ng ilang guro na ilaan na lang ang oras ng trabaho nila sa paggawa ng content para sa social media, at i-video ang mga ginagawa nila sa loob ng paaralan, na nakikita ang mukha ng kanilang mga mag-aaral.

"Hindi ba dapat bilang mga guro, kayo po 'yong mas nakakaintindi sa mga manggagawa? Eh parang 6 hours, sobrang dami n'yo nang reklamo? Hindi n'yo ba naisip 'yong ibang mga tao diyan na higit 6 hours pa 'yong trabaho araw-araw? Mga medical professionals? Mga nagtatrabaho sa construction. Mga security guard? Mga call center agents? Hindi n'yo ba naiisip 'yong mga taong 'yon?"

Giit pa ni Tito Mars, hindi raw dapat ikatwiran na mahirap ang trabaho ng pagiging guro dahil wala naman daw madaling trabaho. Bukod pa rito, may benepisyo pa raw ang mga guro na wala sa ibang mga manggagawa kagaya na lamang ng sumusuweldo pa rin kapag vacation break at iba pa.

"My gosh, like hindi ko alam, pero ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng balita. Na 'yong mga guro mismo na dapat sila 'yong nagiging mabuting ehemplo sa mga mamamayan lalong-lalo na sa mga kabataan, eh sila pa 'yong medyo tatamad-tamad. Na parang ayaw magtrabaho, na parang gusto nila ibibigay na lang sa kanila 'yong benefits, na parang gusto nila four hours a day na lang sila magtatrabaho, pero 'yong benefits, 'yong suweldo, eh buo pa rin?"

"Eh para naman pong hindi na tama 'yan? Masyado n'yo naman pong inaabuso? Dati, hndi naman po ganiyan ang mga guro, wala pong gurong ganiyan dati. Pero ngayon, parang 6 hours, masyado na po kayong pagod na pagod? Hiyang-hiya naman po sa inyo 'yong mga nurse, 'yong iba pang mga taong nagtatrabaho sa healthcare workers natin dito sa Pilipinas. Diyos ko!" aniya pa.

(2) Facebook

Matatandaang naging kontrobersiyal si Tito Mars dahil sa kaniyang eating challenge lalo na sa "pandidiri" niya sa pagkain ng sardinas.

MAKI-BALITA: Tito Mars: 'Di ko binabastos pagkain ng mahihirap!'

Matapos umani ng katakot-takot na batikos ay humingi ng paumanhin si Tito Mars at ipinaliwanag niyang kumakain talaga siya ng sardinas at ginawa lamang niya ang video para sa content.

MAKI-BALITA: Tito Mars, umamin kung bakit naging papansin sa social media