September 16, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Tanging Inang' si Ai Ai, nag-react sa bangayan ng mag-inang Carlos, Angelica Yulo

'Tanging Inang' si Ai Ai, nag-react sa bangayan ng mag-inang Carlos, Angelica Yulo
Photo courtesy: Arnold Quizol via MB/Screenshot from Ai Ai Delas Alas (FB)/Screenshot from Carlos Yulo (TikTok)

Usap-usapan ang naging opinyon ng tinaguriang Comedy Queen at "Tanging Ina" na si Ai Ai Delas Alas patungkol sa pinag-usapang girian sa pagitan ng mag-inang Carlos Yulo at Angelica Yulo, kaugnay sa natamong tagumpay ng Filipino gymnast sa 2024 Paris Olympics.

Matatandaang umani ng katakot-takot na diskusyunan ang naging away ng dalawa patungkol sa usaping pera, na tinuldukan na rin ng dalawang kampo matapos maglabas ng opisyal na pahayag; si Carlos, kasama ang jowang si Chloe San Jose ay nagsalita sa TikTok habang si Angelica naman ay may press conference kasama ang abogadong si Atty. Raymond Fortun.

Batay sa video ni Ai Ai, bagama't para sa kaniya ay hindi mapipigilan ang damdamin ng atleta na magmahal ng isang babaeng magpapasaya sa kaniyang puso, tila nasa panig ang Tanging Ina sa ina ni Carlos.

Para kay Ai Ai, "Mother knows best " pa rin pagdating sa usaping pag-ibig.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

"Nood po kayo and congratulations sa ating Gold Medalist na si Carlos Yulo ...and may konteng opinyon ako about dito sa mga bagay bagay...hindi ko na kasi na opinyon pala .. syempre umiibig ang ating olympian ... pero may kasabihan nga pagibig pag pumasok kanino man hahamakin lahat masunod ka lamang .. pero mas naniniwla ako sa kasabihan ( pag dating to sa pagibig ahhh) Mother knows Best ... at sinasbi ko din yan sa mga anak ko pag dating sa pagibig kasi na experienced ko na hindi sumunod sa nanay ko pag dating sa usaping lovelife .. ayun flop lahat pero si Gerald nagustuhan nya o tama na naman si mother .. yun lang bye," aniya.

Facebook

Mababasa naman sa comment section ang iba't ibang reaksiyon at komento ng netizens tungkol dito.

"Basta ako takot sa karma nang nanay , ang luha nang nanay at sakit nang damdamin masamang karma talaga Di man ngayon pero nakakatakot talaga."

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang lahat ng mga nanay. Respect begets respect. Baluktot na pagiisip yang sinasabi niyo. May karapatan ang anak na ipagtanggol ang sarili niya sa kahit sinumang kapamilya niya na abusado. #REALTALK."

"Totoo po ang kinalabasan po Kasi proud pa sya na mas pinili sya ni Carlos kysa SA nanay na sya parin ang nag wagi parang wala Rin respito c girl SA nanay ni Carlos dapat tahimik nlng sya. Para Di lalo magalit ang maging biyanan nya Kung sakali."

"Kung ako ang may mga milyones, bibigyan ko nanay ko ng house and lot, at pagkakakitaan para maibless silang dalawa.

Dapat hindi na nagbroadcast si Caloy, nakakahiya naman sa mga kapatid at tatay nya nadamay pa sa mga gulo. Sana nag-usap sila ng maayos at hindi naging mapagtaas. Ganoon din sa gf sana namagitan siya hindi ung patawa-tawa pa siya sa video na parang nanalo siya sa hidwaan. Nakakalungkot ung napanood ko kasi kapamilya pa naman iyon no matter what, ina nya ang nagluwal sa kanya. Mahirap pa naman kapag ang isang ina ang magsumpa sa anak."

"True! hindi naging Carlos Yulo kung wla ang nanay nya na nagdala sa knya ng 9 months sa sinapupunan nya at inalagaan sya mula bata gang nagka edad..ang instinct ng nanay ay laging totoo..Ano man ang nagawa ng nanay mo na pagkakamali, she’s still your mother! Wla ka sa kinalalagyan mo ngayon kung wla mga magulang mo. Sa bible isa sa 10 commandments ang irespeto ang magulang. God said, 'Honor your Father and your Mother.'"

MAKI-BALITA: Carlos nagsalita na sa hidwaan nila ng nanay niya; sariling pera, itinago raw sa kaniya?

MAKI-BALITA: 'Patawad anak!' Angelica Yulo, bukas ang pintuan kay Carlos para pag-usapan mga isyu