November 25, 2024

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng umaga, Agosto 11.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), yumanig ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:52 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 86 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 9 kilometro.

Wala namang inaasahang posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ayon sa Phivolcs, ang naturang lindol ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Surigao del Sur noong Agosto 3, 2024.

MAKI-BALITA: Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol; walang tsunami threat sa PH