January 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Mahigit 50 kaso ng cyberlibel ang inaasikaso ng mga abogado ko!' —Darryl Yap

'Mahigit 50 kaso ng cyberlibel ang inaasikaso ng mga abogado ko!' —Darryl Yap
Photo courtesy: Darryl Yap (FB)

Ipinangako ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap na hahanapin at idedemanda niya ang mga tao o mga taong nasa likod ng ilang pages na umano'y nagpo-post ng mapanirang mga akusasyon laban sa kaniya.

Ayon sa Facebook post ni Yap, walang katotohanan ang mga paratang sa kaniya na isa siyang "pedophile" o pumapatol sa mas bata sa kaniya.

Isang Facebook page ang direktang binanggit ni Yap at tinitiyak daw niyang hahabulin ito sa abot ng makakaya at sa tulong mga awtoridad.

Kasama rin sa mga hahabulin ni Yap ang commenters na nagsasabing "pedo" o "PDF" siya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Kung iniisip ng pahinang 'DALAWANG SENTIMO SA KALYE” na porket nakablock ako sa page nila ay hindi na sila matutunton ng otoridad bilang mga admins—nagkamali sila."

"maging ang mga nagcomment at nagbintang na ako ay 'pedo,' 'pdf' atbp. Iisa-isahin namin kayo, kapag mukhang may kakayahan, sasampahan. kapag mukhang mahirap, patatawarin."

"Ipinapangako ko sa aking mga tagasubaybay at ng VinCentiments na idedemanda ko ang mga admins ng pahinang ito hanggang ang pangalan ng page na lang nila—ang matira sa kanila. DALAWANG SENTIMO SA KALYE," aniya.

Giit pa ni Yap, nasa higit 50 cyberlibel cases ang pinagkakaabalahan na ngayon ng kaniyang mga legal counsel.

"Mahigit 50 kaso ng cyberlibel ang inaasikaso ng mga abogado ko— sa totoo lang nililinaw ko rin kung ang halagang ibinayad for settlement ay may buwis ba o wala, since 2020—6 pa lang ang nadinig at naisara; pero hindi naman ako nagmamadali.

Nakabatay sa halaga ng kontrata ko ang halagang dapat nilang itapat sa kung ano ang pwedeng magasgas sa aking reputasyong pangmalikhain."

"Marami akong pinapalampas lalo na kung ang mangmang na nagpost o nagcomment ay mukhang nagpapalipas din ng gutom at wala akong mahihita kundi mabahong 'sorry.' muli, ang mga tweets na pinagputol-putol at mga balitang pinagtyatyagaang ipanlaban sa akin ay hindi totoo."

"Hinihikayat ko ang lahat ng mga galit sa akin na labanan nyo ako sa pamamagitan ng pagtapat sa aking contents, posts at comments—at huwag kayong mahulog sa patibong na hindi kayo makakaahon."

"hindi ako pedophile, hindi ako pumapatol sa bata, at kahit hindi ako namimili ng papatulan sa socmed, pinipili ko ang dadalhin ko sa korte.

"hindi ako sensitib pero hindi ako manhid kung akala nyo nakakita kayo ng paninira sakin—nakikita ko kayo bilang dagdag sa kikitain."

"Content vs Content"

"Opinion vs Opinion"

"Pwede namang ganyan,"

"Hindi nyo lang kaya ," aniya pa.

Darryl Yap - Kung iniisip ng pahinang “DALAWANG SENTIMO SA KALYE”... | Facebook