September 10, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kuha-gigil: Netizens, nag-react sa talak ni Tito Mars tungkol sa mga gurong reklamador

Kuha-gigil: Netizens, nag-react sa talak ni Tito Mars tungkol sa mga gurong reklamador
Photo courtesy: Screenshot from Tito Mars Official (FB)/MB File Photo

Umarangkada na naman ang social media personality na si Tito Mars sa pagkuha ng gigil ng netizens matapos ang pagbibigay niya ng reaksiyon sa isang balita patungkol sa mga guro.

Ayon sa isang ulat ng "Frontline Tonight" sa TV5, ilang guro daw kasi ang dumaraing sa anim na oras o higit pang oras ng trabaho sa loob ng isang araw, lalo na sa teaching schedule ngayon sa ilalim ng Matatag Curriculum.

Real talk ni Tito Mars, bakit daw nagrereklamo ang ilang mga guro samantalang ang iba pang professionals at manggagawa lalo na sa mga nasa healthcare industry, ay hindi naman nagsasalita patungkol sa haba o tagal ng kanilang duty.

MAKI-BALITA: Tito Mars, tinalakan mga gurong nagrereklamo sa haba ng oras ng trabaho

Tsika at Intriga

Francine bigla raw nawala sa line-up ng performers ng Marcos 107 free concert

Sana naman daw, mahiya-hiya naman daw ang mga guro na dapat daw ay maging mabuting ehemplo sa mga mamamayan at mag-aaral. Kung tutuusin daw, mas maraming benepisyo ang mga guro sa pampublikong paaralan, halimbawa, sumusuweldo sila kahit bakasyon.

Ang ibang guro daw, baka kaya nagrereklamo sa anim na oras na trabaho, ay gustong gumawa ng content na ipo-post nila sa social media, at isinasama pa raw ang mga mag-aaral nila.

MAKI-BALITA: Ilang gurong reklamador, mahiya naman daw sa ibang manggagawa—Tito Mars

Matapos ang reaction video, as expected, marami ang nagbigay ng reaksiyon at komento patungkol dito, na mababasa mismo sa comment section ng kaniyang post.

In fairness, hati ang opinyon at saloobin ng madlang netizen sa mga pinagsasabi ng social media personality. May mga gurong umalma at gusto pang iparanas kay Tito Mars ang maging guro sa loob ng tatlong buwan hanggang isang taon, dahil madali lang daw magsalita kung wala naman sa sitwasyon.

Subalit may ilan ding nakukuha ang punto ng online personality.

"Tapang now tapos iyak later."

"Kuha mo gigil ko!"

"Una sa lahat, hindi nyo dapat pinagkukumpara ang trabaho ng guro sa ibang propesyon, Ang mga guro ay may mahalagang papel sa paghubog ng kinabukasan ng mga mag-aaral. Ang aming trabaho ay hindi lamang tungkol sa pagtuturo ng akademikong aralin kundi pati na rin sa pagbibigay ng gabay at suporta sa mga estudyante. Ito ay isang responsableng tungkulin na may malalim na implikasyon sa lipunan..."

"Jusku 6 hrs anung ggwin nila s school mgpp cute .. jusku.. anung mtutunan Ng mga mag aaral kung hahati hatiin 6 n Oras n un omg."

"dati mga teacher nung mga 90's at 2000 all day pa klase nila pero never nagrereklamo."

"Try mo maging teacher para alam mo ang hirap . Para alam mo din na hindi lang sa loob ng 4 corners ng classroom natatapos ang trabaho ng teacher, na hindi lang 6 hrs kami nagtatrabaho. Pag uwi ng bahay trabaho padin sa school ang ginagawa namin . Wag kang puro kuda wala ka namang alam sa pagiging teacher."

"Dear Tito Mars, please bumalik na po kayo kung saang planeta kayo nangaling. Have you ever considered teaching? Walang madaling trabaho oo pero try mo mag duty as a nurse and work as a teacher kahit tig 1 week lang. Let's see."

"May point din naman cya let's take it as constructive criticism."

"Hindi lang naman 2 hrs ang pagtuturo nila. May mga paperworks and lesson plans pa silang mga ginagawa na kadalasan inuuwi pa nila sa bahay nila."

"Mga kaguro, rage-baiting lang yan. Yan yung branding niya. The more you engage with his videos, the more he earns."

"May point naman si vlogger dyan..."

"Mag negosyo nalang sila wag na mag teacher kasi pag teacher dapat May passion ka talaga hindi lang para kumita kundi para matulungan ang mga batang gustong mag aral at matoto Yong teacher namin sa elementarya at high school sa province napaka sisipag ang babait di sila May malasakit mas mahaba pa ang oras nila noon mas maiksi nga ngayon eh kasi madami ng teacher."

"Tito Mars magteacher ka for a day... 6 hours with 40-45 students in one class... sa 6 hours na yan.. 6 sections/ different subjects po yan. That's 240-300 students in one day with different behaviors. Aside p jan my lesson plans, reading and numeracy intervention.. prepare for instructional materials and other coordinatorship. Try nyo to research kng ano ginagawa ng teacher s skul.. bago po kayo pabalang mgreact."

Well, hindi na bago kay Tito Mars ang kuyugin ng kritisismo. Matatandaang naging kontrobersiyal si Tito Mars dahil sa kaniyang eating challenge lalo na sa "pandidiri" niya sa pagkain ng sardinas. Matapos umani ng katakot-takot na batikos ay humingi ng paumanhin si Tito Mars at ipinaliwanag niyang kumakain talaga siya ng sardinas at ginawa lamang niya ang video para sa content. Ipinaliwanag din niya kung bakit siya "nagpapansin" sa social media.

MAKI-BALITA: Tito Mars: 'Di ko binabastos pagkain ng mahihirap!'

MAKI-BALITA: Tito Mars, umamin kung bakit naging papansin sa social media

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang Department of Education (DepEd) tungkol dito.