September 18, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Joshua Garcia, bet gumawa ng action-comedy film

Joshua Garcia, bet gumawa ng action-comedy film
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT), Joshua Garcia (IG)

Ibinahagi ng Kapamilya star na si Joshua Garcia kung anong wish movie project  ang gusto niyang gawin sa hinaharap.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano noong Sabado, Agosto 10, sinabi ng aktor na bet niya raw gumawa ng action-comedy film.

“Gusto kong makagawa ng action-comedy na para siyang ‘Ocean’s Eleven.’ Mga gano’n na may fight scene pero hindi ka haggard, gwapo ka pa rin. Cool ka pa rin,” saad ni Joshua.

“Kasi tayo sa ano, haggard. Fight scene-fight scene. Gusto ko ‘yong gano’ng klaseng action. All-star cast ta’s parte pa ako,” dugtong pa niya. 

Pelikula

'Kinilabutan ako!' Unang pasilip sa 'Hello, Love, Again,' umani ng reaksiyon

Pero sa ngayon, enjoy-in muna ng fans ang comeback movie nila ng ex-jowa niyang si Julia Barretto na “Unhappy For You” habang hinihintay ang kaniyang wish movie project.

MAKI-BALITA: JoshLia, may ginawa ulit together matapos ang break-up

Matatandaang sa isang panayam ay inamin ni Joshua na humugot daw siya sa past relationship nila ni Julia bilang bahagi ng proseso niya ng pag-arte sa nasabing pelikula.

MAKI-BALITA: Joshua, humugot sa past nila ni Julia para sa bago nilang pelikula

Mapapanood na sa mga sinehan sa bansa ang “Unhappy For You” sa darating na Miyerkules, Agosto 14.