December 22, 2024

Home SPORTS

Chloe San Jose nanupalpal; 'di pabida, mang-aagaw ng spotlight ng jowa

Chloe San Jose nanupalpal; 'di pabida, mang-aagaw ng spotlight ng jowa
Photo courtesy: Screenshot from Carlos Yulo (TikTok)/via Balita

Sinagot ng girlfriend ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo na si Chloe San Jose ang paratang ng mga netizen na sumasakay siya sa kasikatan ng boyfriend at inaagaw niya ang spotlight nito.

Isang netizen na nagbigay ng unsolicited advice sa kaniya ang nasampolan ng content creator. Sey kasi ng netizen, "Practice prudence in the things that you do and post online. Especially now that this is Carlos' spotlight after his Olympic gold medals, give him his spotlight. Don't take it away from him by hogging it all to yourself. The people want Carlos, not you."

Saad pa ng netizen, We haven't seen yet any media outfit interviewing you about his win. So maybe that says a lot, right?"

Photo courtesy: Chloe San Jose (FB) via Fashion Pulis

Matatandaang sinita ng netizens ang pagsama ni Chloe sa panayam kay Carlos sa isang press conference dahil mas matindi pa raw siya sa misis ng Pambansang Kamao at dating senador na si Manny Pacquiao, na si Jinkee Pacquiao.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MAKI-BALITA: Chloe San Jose, inokray dahil sa pagsama kay Carlos Yulo sa presscon

Palag naman ni Chloe sa netizen, "You haven't seen any media interview me because I DECLINE TO BE INTERVIEWED AND NOT TAKE AWAY HIS SPOTLIGHT, as you said..."

Mababasa pa sa komento na talagang may mga taong kagaya ng nabanggit na netizen na may nais patunayan subalit wala naman daw talagang alam sa sitwasyon o kalagayan.

"If you want to see Caloy and Caloy only, why are you on my page? Go ahead to Caloy's page to feel better. All love."

Photo courtesy: Chloe San Jose (FB)

Matatandaang sinabi na ng ina ni Carlos na si Angelica Yulo sa mga panayam na bukod sa usaping pera, isa sa mga naging dahilan ng girian nila ng anak ay si Chloe.

Sa opisyal na pahayag naman ni Carlos kasama si Chloe, pinabulaanan niya ang mga akusasyon ng ina laban sa kaniyang jowa.

Humingi naman ng tawad si Angelica sa mga nasabi patungkol kay Chloe dahil isa lamang daw siyang ina na may concern sa kaniyang anak, sa naganap na press conference.

BALIKAN -- Kilalanin: Chloe San Jose, ang babaeng tumambling sa puso ni Golden Boy Carlos Yulo

MAKI-BALITA: Pasabog! Ermat ni Carlos Yulo, sinisisi ang jowa ng anak kaya nagkagalit sila??

MAKI-BALITA: Dahilan ng sigalot? Jowa ni Carlos Yulo, pinalagan ang 'future mother-in-law'