September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Na-shock ako!' Lotlot nagsalita sa tukaan nina Jericho, Janine

'Na-shock ako!' Lotlot nagsalita sa tukaan nina Jericho, Janine
Photo Courtesy: Lotlot De Leon (IG), Screenshot from Reddit

Nagbigay na ng pahayag ang aktres na si Lotlot De Leon kaugnay sa pagtutukaan umano ng anak niyang si Janine Gutierrez at ang “Lavender Fields” co-star nitong si Jericho Rosales.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, pinabulaanan ni Lotlot ang kumakalat na kuwento tungkol sa dalawa.

“Hindi naman totoo ‘yon, nando’n tayong lahat, it was all fun.Nakakatawa, hindi ko alam kung saan nila…na-shock ako,” saad ni Lotlot.

Dagdag pa niya: "Kasi nando’n ako the whole time, so wala naman akong nakita na kissing or anything na ganyan, and you know Janine is…hindi, e, hindi siya gano’n.”

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Matatandaang naispatan din ng mga netizen na tila magkasama sina Janine at Jericho na namasyal sa National Museum base sa mga ibinahagi nilang larawan sa kani-kanilang social media account.

MAKI-BALITA:Janine Gutierrez, Jericho Rosales naispatang nagtukaan

MAKI-BALITA: Lotlot De Leon, inusisa gala ni Janine Gutierrez: 'Sino kasama mo?'