September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jericho, pasado kay Lotlot bilang jowa ni Janine?

Jericho, pasado kay Lotlot bilang jowa ni Janine?
Photo Courtesy: Lotlot De Leon, Jericho Rosales (IG)

Nausisa ang aktres na si Lotlot De Leon kung ano raw ang magiging reaksiyon niya kapag nagpaalam si Jericho Rosales na ligawan ang anak niyang si Janine Gutierrez.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, sinabi ni Lotlot na bagama’t labas umano siya sa usapin ng panliligaw, magpapasalamat kay Jericho kung hihingin nito ang permiso niya.

“’That’s not up to me, but thank you for asking permission. ’Di ba, nakakatuwa na parang humingi ng paalam or mag-abiso, hindi ba?” sabi ni Lotlot.

Dagdag pa niya: “Nakakatuwa ‘yon, so if eventually they are really dating, then I trust Janine, I trust her decision.”

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Sa pagkakakilala naman daw niya sa aktor, mabait daw si Jericho. Bukod dito, maasikaso rin daw at mapagmahal sa pamilya. 

“He’s very family-oriented, and he’s a very responsible guy. So, yeah, that’s how I know him, that’s what I know of him also,” aniya.

Matatandaang madalas maispatan ng mga netizen na magkasama sina Janine at Jericho. Gayunman, tila okay naman para kay Lotlot ang lahat ng ito.

Aniya: “Nakikita ko nga na they’re always together. That’s good if they’re trying to get to know each other. There’s nothing wrong with that, they’re both single, they’re both adults, they’re both mature individuals.”

Samantala, sa parehong panayam, pinabulaanan naman ni Lotlot ang kumakalat na kuwento na namataan umano sina Janine at Jericho na naghahalikan.

MAKI-BALITA: 'Na-shock ako!' Lotlot nagsalita sa tukaan nina Jericho, Janine