September 18, 2024

Home SHOWBIZ

Bela Padilla, pinasasali sina Joshua at Julia sa 'EXpecially For You'

Bela Padilla, pinasasali sina Joshua at Julia sa 'EXpecially For You'
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN (FB)

Nakakaloka ang hirit ng aktres na si Bela Padilla sa dating mag-jowang sina Joshua Garcia at Julia Barretto na bida sa pelikulang “Unhappy For You.”

Sa latest episode kasi ng “It’s Showtime” nitong Sabado, Agosto 10, bumisita sina Bela, Joshua, at Julia sa nasabing noontime show.

At natanong nga ni “It’s Showtime” host Jhong Hilario kung ano ang naramdaman nina Joshua at Julia nang muli silang magkita sa set ng kanilang bagong pelikula.

“Happy naman. Happy kami,” sabi ni Julia.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Segunda naman ni Joshua: “Masaya, nostalgic ‘yong feeling.”

“Ayaw n’yong mag-EXpecially For You mamaya?” hirit naman ni Bela na ikinatawa ng mga host at studio audience.

Ang “EXpecially For You” kasi ay isang segment sa “Showtime” kung saan ang searchee o guest player ay tutulungan ng kaniyang ex-partner na makahanap ng bagong pag-ibig.

Matatandaang “Unhappy For You” ang kauna-unahang pelikula na nagbalik-tambalan sina Joshua at Julia matapos ang kanilang breakup.

Samantala, mapapanood na sa mga sinehan sa bansa ang nasabing pelikula sa darating na Miyerkules, Agosto 14.

MAKI-BALITA: JoshLia, may ginawa ulit together matapos ang break-up