September 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Ang mga lalaki talaga babaero by nature' Netizens, binalikan sinabi ni Toni noon

'Ang mga lalaki talaga babaero by nature' Netizens, binalikan sinabi ni Toni noon
screenshot: ABS-CBN/YT, Toni Gonzaga/YT

Binalikan ng netizens ang pananaw noon ng TV host-actress na si Toni Gonzaga tungkol sa 'cheating' sa kaniyang interview noong 2014 sa 'The Buzz' kasama sina Boy Abunda at Kris Aquino. 

Ito'y kasunod ng komento niya tungkol sa naranasan ng Vivamax actresss Angeli Khang na nakaramdam umano ito ng pananamantala kapag gumagawa ng sex scenes.

Kwento ni Angeli, "May times na habang naka-plaster, natatanggal ‘yong plaster kasi tumitigas. Ta’s bago pa mag-take ‘yong direktor, hinahalikan na ako. After mag-take, hinahalikan pa rin ako."

Ang sagot ni Toni, "Eh, kasi lalaki pa rin sila, e. Make-carried away talaga sila sa eksena."

Tsika at Intriga

Andrea Brillantes, mas hot daw kaysa kay Xyriel Manabat

BASAHIN: Angeli Khang, natsansingan ng ilang co-actors

Dahil dito, kaliwa't kanang batikos ang natanggap ni Toni. Kaya ang netizens, binalikan ang pananaw niya noon tungkol naman sa cheating kung saan sinabi niyang babaero by nature ang mga lalaki.

Sa The Buzz interview noong 2014, napag-usapan ang tungkol sa eksena sa The Legal Wife. Ang siste kaya ba nina Kris at Toni ang ginawang pananabunot ni Monica (role ni Angel Locsin) sa The Legal Wife. 

Tanong ni Boy Abunda sa dalawa, "would you go violent in defense of your..."

Sagot agad ni Kris, "Not sa other woman but doon sa husband, yes."

"Ako naman hindi," sey naman ni Toni. "Ako naniniwala ako, ang pangangaliwa ng lalaki ay dahil sa babae, hindi dahil sa asawa, doon sa babaeng na-involve. Kasi kahit anong push ng lalaki kapag hindi inentertain ng babae, walang mangyayari." 

"But it's the lalaki na may commitment sa'yo. So ikaw 'yung na-betray," sey naman ni Kris.

"Ang mga lalaki 'di ba, ano sila talaga babaero by nature," sundot ni Toni.

"I don't think Direk Paul is babaero. You can see sa aura niya na mabait siya," ani Kris.

Sagot ni Toni, "There's always an exemption to the rule. [...] kaya kapag nangyari 'yun baka may majombag ako."

Ngayong 2024, ni-repost ito ng isang Facebook page at nag-comment ang mga netizen at hindi sila agree sa mga sinasabi ni Toni. 

"Feeling ko yung wisdom ni Toni galing sa wisdom tooth."

"Di nya kinaya si Kris kaya humahanap ng kakampi from audience.Jan plng you know na she will support bbm ksi ang understanding nya kasalanan ng Pera kaya magnanakaw ang marcos family"

"Kaya si Bobbie talaga yung nag grow kasi ganyan thinking mo teddie e haha"

"“Toni Talks” doesn’t mean “Tony Thinks”"

"Kris Aquino is correct. Kong sino yung my commitment kahit gaanong push ng pang 3rd party, kong ayaw mo, ayaw mo talaga."

"Agree with Kris here. Toni’s mindset here is old school . De kahon mindset."

"Bobita talaga si Toni by nature. To think na devout Christian 'yan ha? Ew"

"this is how the brains of the dds and apologists are wired. classic."

"what a terrible example for our young daughters."

"What do we expect from an old traditional woman/religious like toni g? Ofc she tolerates "lalaki kasi" behaviour. Lmao sis"