November 25, 2024

Home BALITA National

VP Sara, sinabing hindi na sila nag-uusap at nagkikita ni PBBM

VP Sara, sinabing hindi na sila nag-uusap at nagkikita ni PBBM
VP Sara Duterte at Pres. Bongbong Marcos (Photo: VP Sara/FB)

“Wala akong description sa relationship namin ngayon.”

Ito ang pahayag ni Vice President Sara Duterte hinggil sa kasalukuyan daw nilang relasyon nia Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi na raw niya nakakausap at nakikita.

Sinabi ito ni Duterte sa isang panayam ng Sonshine Media Network International (SMNI) nitong Huwebes, Agosto 8, na inulat ng Manila Bulletin.

“Wala akong description sa relationship namin ngayon ni President Marcos. Hindi na kami nagkakausap, hindi na rin kami nagkikita,” aniya.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Samantala, ipinaliwanag din ni Duterte ang kaniyang naging pahayag noong Miyerkules, Agosto 7, kung saan pinuna niya ang pamahalaan at iginiit na pinamumunuan umano ang bansa ng mga “taong walang katapatan sa trabahong sinumpaan.”

Paliwanag ng bise presidente nitong Huwebes, hindi umano siya gumagalaw para sa politika kundi “para sa bayan” dahil nanumpa raw ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno na pagsisilbihan ang bansa.

“Hindi ako gumagalaw para sa administrasyon, hindi ako gumagalaw para sa oposisyon, hindi politika kundi para sa bayan,” ani Duterte.

“So, kung ano 'yung sa tingin ko ay tama para sa bayan, iyon 'yung sinasabi ko. So, 'yung frustration ko as a Vice President and as a Filipino, sa mga nangyayari o naririnig natin sa ating gobyerno, nilabas ko doon sa statement,” saad pa niya.

Sina Marcos at Duterte ang mag-running mate noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng UniTeam. 

Samantala, umusbong muli ang usap-usapan ng pagkakaroon ng lamat sa samahan nina Marcos at Duterte matapos bumaba ang huli sa kaniyang puwesto bilang kasapi ng gabinete.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

Hindi rin dumalo at maging nanonood si Duterte kamakailan sa State of the Nation Address (SONA) ni Marcos.

MAKI-BALITA: Hindi dadalo: VP Sara, 'di rin papanoorin SONA ni PBBM sa TV, gadgets