September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Mother Lily, tinawag na malanding Bikolana si Dina Bonnevie

Mother Lily, tinawag na malanding Bikolana si Dina Bonnevie
Photo Courtesy: Mother Lily, Dina Bonnevie (IG)

Inalala ng batikang aktres na si Dina Bonnevie si Mother Lily, ang itinuturing na matriyarka ng Regal Entertainment na namayapa kamakailan.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Huwebes, Agosto 8, ibinahagi ni Dina ang fondest memory niya kay Mother Lily.

Ayon sa kaniya, hindi pa raw nagsi-sink in sa isip niya na tuluyan nang namaalam si Mother Lily dahil itinuring na raw niya na parang isang tunay na ina ang matriarch ng Regal Entertainment.

"Because when I started, I know how many times she would spank me kasi palpak ‘yong Tagalog ko. She would call me: 'Itong malanding Bicolanang ito,' yan ang favorite dialogue niya sa akin,’” kuwento ni Dina.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"We would eat lugaw together, be in her kitchen together. She would be taking a bath and I'm inside her banyo waiting for her, while she’s taking a bath. That close,” wika niya.

Dagdag pa ng aktres: "She would even call the masahista, 'Masahiin mo si Dina dito.' 'Mother, why I am in your room?' 'You stay there.'”

Kaya naman kung may mami-miss daw si Dina nang sobra kay Mother Lily, ito ay ang sense of humor nito  na talaga namang nakakatawa umano. 

Matatandaang ilang araw matapos pumanaw ng asawa ni Mother Lily na si Remy Monteverde, siya naman ang sumunod na namaalam.

MAKI-BALITA: Lily Monteverde, pumanaw halos isang linggo matapos sumakabilang-buhay ang mister