November 25, 2024

Home BALITA National

Habagat, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng PH

Habagat, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng PH
Courtesy: PAGASA/website

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes, Agosto 9, na ang southwest monsoon o habagat ang patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdadala ang habagat ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Ilocos Region, Zambales, at Bataan.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Bukod dito, inaasahan ding magdudulot ang habagat ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila, mga natitirang bahagi ng Luzon, at Western Visayas.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms din naman ang posibleng mararanasan sa mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa nasabing mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala na raw binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR).