September 13, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

'Unang Tikim' ng Vivamax sa mga sinehan, nakatikim ng double X rating sa MTRCB

'Unang Tikim' ng Vivamax sa mga sinehan, nakatikim ng double X rating sa MTRCB
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Nakakaloka na na first time magkaroon ng ratings na "double X" ang isang pelikulang Pilipino na mapapanood sa mga sinehan, ayon sa ibinigay na movie rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sa ulat ng Manila Bulletin, handa naman daw ang direktor nitong si Roman Perez, Jr. na posible ngang makakuha nang ganoong rating ang kauna-unahang pelikula ng Vivamax na mapapanood sa mga sinehan.

Kilala ang Vivamax bilang online application sa ilalim ng Viva Films na nagpapalabas ng adult movies na may subscription kada buwan.

Anng "Unang Tikim" ay may temang GL o "Girl Love" na pinagbibidahan nina Angeli Khang at Rob Guinto.

Pelikula

<b>BALITAnaw: Mga pelikulang Pilipinong humataw at tumabo sa takilya</b>

"Walang double X noon. First time. Nagulat nga raw ang mga taga-MTRCB. Ano raw ang nangyayari? Pero ready ako sa ibang cuts. Pag binawal nila ito, may iba akong ilalagay," saad daw ni Perez nang makapanayam sa Black Entertainment Scriptwriting Awards 2024 na ginanap sa isang hotel sa Quezon City kamakailan.

Mapapanood ang pelikula sa mga sinehan ngayong Agosto 7.