September 20, 2024

Home SHOWBIZ

TV actor-model, ibinuking ugali ni Vhong Navarro noong nakulong

TV actor-model, ibinuking ugali ni Vhong Navarro noong nakulong
Photo Courtesy: Vhong Navarro (FB), Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Isiniwalat ng TV actor-model na si Aeron Cruz kung paano makipag-kapuwa tao si “It’s Showtime” host Vhong Navarro noong nasa loob ito ng kulungan.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, ikinuwento ni Aeron na nakasama umano niya sa kulungan si Vhong noong maaresto siya at masangkot sa isang buy-bust operation.

“Mayroon po siyang mga natulungan na walang-wala. Hindi dinadalaw. Kaya napakabuti niya pong tao. Kagaya po ng matulungan niya ‘yong mabigyan niya ng pagkain kasi po walang dalaw,” saad ni Aeron.

Kung ano pong mayro’n siya o kinakain niya na pagkaing laya, shine-share din po niya sa kagaya namin. Hindi lang po pagkain ‘yong naitutulong sa amin ni Kuya Vhong. Pati na rin po sa mga inmate,” wika niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa niya: “Kagaya po ng ayuda. Kagaya namin, minsan po ‘di kami dinadalaw. Mga toiletries [...] Minsa po financial health din po ang naitutulong ni Kuya Vhong.”

Matatandaang napiit si Vhong noong 2022 matapos maglabas ng warrant of arrest mula sa dalawang korte ng Taguig City dahil sa kasong rape na isinampa ng kampo ni Deniece Cornejo.

Pero nakapagpiyansa rin naman ang aktor at noon ngang Marso 2023 ay tuluyang naibasura ng korte ang kasong isinampa sa kaniya.

MAKI-BALITA: SC, binaliktad ang desisyon ng Court of Appeals, pinawalang-sala si Vhong Navarro