September 19, 2024

Home SPORTS

'Patawad anak!' Angelica Yulo, bukas ang pintuan kay Carlos para pag-usapan mga isyu

'Patawad anak!' Angelica Yulo, bukas ang pintuan kay Carlos para pag-usapan mga isyu
Photo courtesy: Screenshot from ABS-CBN News/Carlos Edriel Yulo (TikTok)

Humingi ng tawad ang ina ni Filipino gymnast Carlos Yulo na si Angelica Yulo sa kaniyang anak, matapos ang mga kontrobersiyang bumabalot sa kanila, kaugnay sa usaping pera at love life.

Nagsasagawa ng isang press conference ang kampo ni Angelica kasama ang legal counsel ngayong araw ng Miyerkules, Agosto 7 sa isang hotel sa Maynila, para tuldukan na ang mga isyung ipinupukol sa kanilang mag-ina, lalo't nagsalita na rin ang anak nitong Martes, Agosto 6 sa pamamagitan ng TikTok video kasama ang kasintahang si Chloe San Jose.

Paglilinaw ni Angelica, kaya siya nagsasalita at nagsagawa ng presscon ay upang magbigay ng huling pananalita at upang matuldukan na ang isyu ng girian nila ng anak at ng GF nitong si Chloe San Jose.

Sa kabuuan ng binasang letter ng ina, sinabi niyang bukas ang kaniyang pintuan para sa anak upang pag-usapan nila ang mga isyu nila sa kanilang pamilya.

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

Humingi rin siya ng tawad sa mga nasabi laban kay Caloy sa mga panayam, dahil ang totoo raw, pagod at puyat daw siya dahil sa kakanood ng laban ng anak, at hindi na raw siya nakapag-isip ng tama sa mga rapidong tanong sa kaniya ng reporters.

Hindi na raw mababawi ang mga salita at pahayag na nasabi na, subalit bukas daw siya at ang mister para makipagdayalogo kay Carlos kapag umuwi na ito sa Pilipinas.

Kung hindi man daw sila magkaayos ngayon, sana raw ay dumating ang panahong mas maunawaan ng anak ang kaniyang intensyon at hindi ang anumang ingay.

MAKI-BALITA: Angelica Yulo, 'di pa nakakausap ang anak simula nang manalo sa Olympics

MAKI-BALITA: Angelica Yulo 'di lalapit at makikipag-ayos sa anak na si Carlos, bakit kaya?

Matatandaang nitong Martes ng gabi, Agosto 6, naglabas ng TikTok video sina carlos at jowang si Chloe San Jose upang sagutin ang mga nasabi ni Angelica sa mga panayam sa kaniya.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, pinabulaanan mga pahayag ng ina laban kay Chloe San Jose

MAKI-BALITA: Mudra ni Carlos Yulo, aminadong may tampo pero masaya sa tagumpay ng anak

MAKI-BALITA: Madir ni Carlos Yulo ninakaw, nilustay, at winaldas pera ng anak?