September 19, 2024

Home SPORTS

'Mag-heal kayo!' Carlos Yulo napatawad na ang ina sa kabila ng mga ginawa sa kaniya

'Mag-heal kayo!' Carlos Yulo napatawad na ang ina sa kabila ng mga ginawa sa kaniya
Photo courtesy: Screenshot from Carlos Edriel Yulo (TikTok)/Screenshot from 24 Oras (YouTube)

Nagsalita na ang two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast na si Carlos Yulo tungkol sa mga isyung kinasasangkutan nila ng inang si Angelica Yulo.

Sa "side of story" nila ng kaniyang girlfriend na si Chloe San Jose na naka-upload sa kaniyang social media accounts nitong Martes, Agosto 6, ay ipinaliwanag ni Caloy ang dahilan kung bakit sila nagkagalit ng kaniyang ina.

Nag-react si Caloy sa mga panayam ng kaniyang ina kaugnay sa mga usaping pera, lalo na sa mga natanggap niya. Isa na rito ang hindi raw pagsasabi sa kaniya ng nanay niya na natanggap na nito ang ₱70k cash incentive sa World Championship 2021, na aniya ay 2022 raw talaga.

Ang pagkakaalam daw ni Caloy ay nasa 6-digits ang nakuha niya roon dahil dalawa ang nakuha niyang medalya, subalit hindi raw ito sinabi sa kaniya ng ina nang umuwi siya sa Pilipinas noong Disyembre.

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

"Hindi ko pa po malalaman na na-receive na pala niya ang incentives ko kung hindi ko pa po hinanap," ani Caloy.

Hindi na raw napasakamay ni Caloy ang nabanggit na cash incentives at hindi na rin hiningi sa kanila. Ang sa kaniya lang naman daw, gusto niya malaman kung saan napunta ang pera na kung tutuusin ay pinaghirapan niya.

Sa kabilang banda, nilinaw ni Carlos na napatawad na niya ang ina, at panawagan niyang mag-heal at mag-move on na raw sila pare-pareho.

"Ang message ko po sa inyo, mag-heal kayo, mag-move on. Napatawad ko na kayo long time ago. Pinagpe-pray ko na maging safe kayo palagi at nasa maayos kayong kalagayan diyan lahat," ani Caloy.

"Tigilan na natin 'to at i-celebrate na lang po natin 'yong mga ginawa ko na paghihirap at sakripisyo ng bawat atleta dito sa Olympics."

Nagpasalamat din si Carlos sa kaniyang ina nang mag-congratulate daw ito sa kaniya, kung genuine daw, ay ina-acknowledge niya ito. Aminado siyang nagfa-flashback pa rin sa kaniya ang mga masasakit na salitang nasabi laban sa kaniya.

Matatandaang sa panayam ng "24 Oras" kay Angelica ay inamin niyang may hindi sila pagkakaunawaan ng anak pagdating sa usaping pera, at aminado rin siyang masama ang loob sa sariling anak dahil sa lumulutang na isyu na kesyo "ninakaw," "nilustay," o "winaldas" niya ang pera ni Caloy.

MAKI-BALITA: Carlos nagsalita na sa hidwaan nila ng nanay niya; sariling pera, itinago raw sa kaniya?

MAKI-BALITA: Angelica Yulo 'di lalapit at makikipag-ayos sa anak na si Carlos, bakit kaya?