September 18, 2024

Home SHOWBIZ

Cristine Reyes, hinahanap batang nag-aaral habang inaalagaan ang kapatid sa classroom

Cristine Reyes, hinahanap batang nag-aaral habang inaalagaan ang kapatid sa classroom
Photo Courtesy: Cristine Reyes (FB), Jazzie V. Decal via Viral na, Trending pa (FB)

Hinahanap ng aktres na si Cristine Reyes ang isang bata na pinagsasabay ang pag-aaral sa loob ng classroom habang nag-aalaga umano sa kapatid nito.

Sa kaniyang Facebook post noong Martes, Agosto 6, ibinahagi niya ang paskil ng “Viral na, Trending pa” kung saan makikita ang ilang larawan ng nasabing bata.

Ayon sa post ng “Viral na, Trending pa,” inaalagaan umano ng bata sa klase ang kapatid nito sapagkat nagtatrabaho sa bukid ang kanilang magulang.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Anak p more tas ipapasa s mga anak ang mga responsibility as a parent"

"Nanay dapat nagaalaga jan...responsibilidad nila si baby..at tatay lng ang nsa bukid.kz magaanak ulet sila tas si junior nnman magaalaga which is utak talangka"

"Sana mapuntahan na sya ni ms cristine reyes"

"Prayers for your success!"

"Tough times create strong men"

"Irresponsible parents! Wag nyu i normalise ganitong eksena! Its called child neglect. Mahirap sa ating pilipino nagiging normal ung pagpapasa ng responsibilidad sa anak which is very wrong."

"Godbless you little boy"

"Bata pa lang nakikitaan mo na ng kasigasigan sa buhay, mabuting puso at pagmalasakit sa kapatid. God bless you more, magbubunga ng maganda ang iyong pagtatyaga."

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 16k reactions at 806 shares ang nasabing shared post ni Cristine.