September 17, 2024

Home SPORTS

Carlos Yulo, pinabulaanan mga pahayag ng ina laban kay Chloe San Jose

Carlos Yulo, pinabulaanan mga pahayag ng ina laban kay Chloe San Jose
Photo courtesy: Screenshots from Carlos Edriel Yulo (TikTok)/Screenshot from 24 Oras (YouTube channel)

Bahagi ng paglantad at pagsasalita ni two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo ang paglilinis niya sa pangalan ng kaniyang girlfriend na si Chloe San Jose, sa inilabas nilang video sa social media nitong Martes, Agosto 6.

Sa halos pitong minutong video ay kasa-kasama ni Carlos si Chloe upang bigyang-linaw ang mga paratang ng inang si Angelica Yulo laban sa kasintahan, mula sa mga panayam nito sa media.

MAKI-BALITA: Mudra ni Carlos Yulo, aminadong may tampo pero masaya sa tagumpay ng anak

MAKI-BALITA: Madir ni Carlos Yulo ninakaw, nilustay, at winaldas pera ng anak?

₱5M-worth na SUV ni Caloy, naibigay na ng Toyota

MAKI-BALITA: Angelica Yulo 'di lalapit at makikipag-ayos sa anak na si Carlos, bakit kaya?

Matatandaang sa isang panayam, sinabi ni Angelica na isa sa mga dahilan kung bakit nag-away sila ng anak ay dahil kay Chloe; na feeling niya ay inilalayo nito si Caloy mula sa kanila. Isa pang isyung sinabi ng ina ay ang paninirahan daw ni Chloe sa apartment ni Carlos sa Japan, na binabayaran ng Philippine Sports Commission (PSC) ang renta.

Alam din ni Carlos na una pa lamang ay hindi na bet ng ina ang jowa para sa kaniya, kaya hinuhusgahan nito ang pananamit at akto ng pagkilos.

Sinabi ni Carlos na may sariling income o pinagkakakitaan ang kasintahan kaya hindi raw totoong "huhuthutan" lang daw siya ng pera nito.

"At 'yong about po sa red flag daw po si Chloe na sinabi ng Mama ko, hinusgahan niya po agad si Chloe sa pananamit at sa pag-akto po niya. Lumaki si Chloe sa Australia at iyon ang nakagisnan niyang culture," ani Carlos.

"At 'yong about po sa 'Mauubos 'yong anak ko' na sinabi po ng Mama ko, unang-una si Chloe po may sarili po siyang income. Bakit po ako mauubos, lahat po ng bank account ko po nasa Mama ko po. Bukod sa incentives, nasa kaniya rin 'yong bank account ko sa monthly allowance. And no'ng nakuha ko po 'yong bank account ko na po na 'yon, doo ko po nalaman na inuubos niya po 'yong laman no'n," pagsisiwalat pa ni Carlos.

Bahagi pa ng video ang pagtatanggol ni Carlos kay Chloe na hindi totoong inilalayo siya nito sa pamilya niya; ang totoo nga raw, nakipag-bonding pa sila sa pamilya niya nang magtungo sila sa Pangasinan.

Naibahagi rin ni Chloe na nagkaroon daw ng group chat ang pamilya niya at ang nanay ni Carlos upang pag-usapan ang mga isyu, subalit nag-leave daw sa nabanggit na GC si Angelica.

Sa huli, sinabi ni Carlos na napatawad na niya ang ina long time ago at hangad niyang mag-heal at mag-move on na sila pare-pareho.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Angelica Yulo kaugnay sa mga nasabi ng anak at ni Chloe sa kanilang video.

MAKI-BALITA: 'Mag-heal kayo!' Carlos Yulo napatawad na ang ina sa kabila ng mga ginawa sa kaniya

MAKI-BALITA: Carlos nagsalita na sa hidwaan nila ng nanay niya; sariling pera, itinago raw sa kaniya?