October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

BINI, bet nang sundan yapak ni Carlos Yulo dahil sa mga premyo?

BINI, bet nang sundan yapak ni Carlos Yulo dahil sa mga premyo?

"BINI after malaman premyo ni Carlos Yulo!"

Kinaaliwan ng Blooms o mga tagahanga ng Nation's all-female Pinoy pop group na BINI ang ibinahaging video sa X (dating Twitter) ni Sheena Catacutan o "BINI Sheena" matapos niyang ibahagi ang tila pagpapaka-gymnast ng mga kasamahan sa grupo matapos daw malaman ang sandamakmak na premyong matatanggap ng two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast na si Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympics, na magkasunod na araw niyang nakuha noong Agosto 3 at 4.

Makikita sa video ang pagpa-praktis ng BINI members sa pagbali-baligtad.

TINGNAN: https://x.com/bini_sheena/status/1820679864195936562

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAAHA BINI SA OLYMPICS."

"HAHAHAHAHA ETO NA ANG PAMBATO NATIN FOR 2028!!"

"BINI FOR OLYMPICS 2028"

"Golden Girls soon?"

"MEGAWORLD, KABAHAN KAYO! 8 GOLDS ‘TO AHAHAHAAHAHAH."

"Change career na ba shee? HAHAHAHAHHAHAHA."

MAKI-BALITA: Bukod sa medalya: Nag-uumapaw na 'ginintuang premyo,' naghihintay kay Carlos Yulo