September 17, 2024

Home SPORTS

Angelica Yulo sa pagpuna sa jowa ng anak: 'Ina lang ako na nag-aalala'

Angelica Yulo sa pagpuna sa jowa ng anak: 'Ina lang ako na nag-aalala'
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN (FB), Carlos Yulo (IG)

Humingi ng tawad si Angelica Yulo sa anak niyang si Carlos Yulo matapos niyang punahin ang jowa nitong si Chloe San Jose.

Sa ginanap na press conference nitong Miyerkules, Agosto 7, sinabi ni Angelica ang dahilan kung bakit niya pinuna ang jowa ng anak.

“Ako ay isang ina na nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko nang maayos at mabuting tao ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang,” saad ni Angelica.

“Kung mali na naging mapagpuna ako sa nobya mo, humihingi ako ng patawad, dahil nanay lang ako na nag-aalala. Matanda ka na, kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo,” wika niya.

₱5M-worth na SUV ni Caloy, naibigay na ng Toyota

Dagdag pa niya: “Bukas ang aming pintuan sa tahanan, may pera o wala, kung nanaisin mong bumalik sa amin.”

Matatandaang sa isang video statement na inilabas ni Carlos noong Martes, Agosto 6, ay pinabulaanan niya ang mga paratang ng ina hinggil kay Chole, na umano’y dahilan ng girian nilang mag-ina.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, pinabulaanan mga pahayag ng ina laban kay Chloe San Jose