September 20, 2024

Home SPORTS

Angelica Yulo sa mga gumagawa ng pekeng account: 'Huwag po kayong manira ng tao!'

Angelica Yulo sa mga gumagawa ng pekeng account: 'Huwag po kayong manira ng tao!'
Photo Courtesy: via MB, Raymond Fortun (FB)

Nagpaabot ng mensahe ang ina ni Filipino gymnast Carlos Yulo na si Angelica Yulo sa mga gumagawa ng pekeng account niya sa social media.

Sa ginanap na press conference nitong Miyerkules, Agosto 7, sinabi ni Angelica na maging masaya na lang daw at huwag manira ng taong hindi naman talaga lubusang kilala.

Ayon kay Angelica: “Sa mga gumagawa po ng fake accounts po, maging masaya na lang po tayo, ‘no. Huwag po kayong manira ng tao na hindi n’yo naman kilala at wala po kayong alam sa buong mga pangyayari.”

“Sana tumahimik na lang po kayo at iwasan n’yo na pong gumawa ng fake accounts na grab lahat ng pictures and mga post po,” dugtong pa niya.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Matatandaang isang pekeng quote card ang kumalat kamakailan kung saan sinabi umano ni Angelica na hindi raw deserve ni Carlos ang suporta niya dahil sa pagdadamot nito.

KAUGNAY NA BALITA: Angelica Yulo sa sambayanan: 'Ipagdiwang na lang natin tagumpay ng anak ko!' 

KAUGNAY NA BALITA: 'Patawad anak!' Angelica Yulo, bukas ang pintuan kay Carlos para pag-usapan mga isyu

KAUGNAY NA BALITA: Angelica Yulo sa pagpuna sa jowa ng anak: 'Ina lang ako na nag-aalala'