September 20, 2024

Home SPORTS

Angelica Yulo, 'di pa nakakausap ang anak simula nang manalo sa Olympics

Angelica Yulo, 'di pa nakakausap ang anak simula nang manalo sa Olympics
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN (FB), Carlos Yulo (IG)

Isiniwalat ng ina ni Filipino gymnast Carlos Yulo na si Angelica Yulo na hindi pa umano niya nakakausap ang anak buhat nang manalo ito sa 2024 Paris Olympics.

Sa ginanap na press conference nitong Miyerkules, Agosto 7, naitanong kung may plano ba silang mag-anak na salubungin si Caloy sa pagbabalik nito sa Pilipinas.

“Actually, wala pa po kasi kaming solid plans po. Hindi pa rin po kasi namin napag-uusapan ng husband ko,” saad ni Angelica.

“Kayo po ba ay nagkausap na ni Caloy since kahapon or after po ng kaniyang pagkakapanalo? Kahit via phone?” sundot na tanong ng interviewer.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tugon ni Angelica: “Hindi po.” 

Bukod pa rito, nausisa rin ang tungkol sa paglapit niya sa kaniyang anak ngayong nakamit nito ang dalawang ginto medalya sa Olympics.

Matatandaan kasing sa isang panayam ay nabanggit ni Angelica na hindi umano siya maglalaan ng effort para lapitan ang anak dahil ayaw niyang pag-isipan ng masama.

Pero ayon kay Angelica, isasapribado na lang umano nila ang nasabing isyu at ang pamilya na lang nila ang bahalang mag-usap tungkol dito.

MAKI-BALITA: Angelica Yulo 'di lalapit at makikipag-ayos sa anak na si Carlos, bakit kaya?