September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Lucena Mayor Mark Alcala, tikom ang bibig sa panliligaw kay Kathryn Bernardo

Lucena Mayor Mark Alcala, tikom ang bibig sa panliligaw kay Kathryn Bernardo
Photo Courtesy: Mark Alcala (FB), Kathryn Bernardo (IG)

Sinubukan umanong hingan ng pahayag ni showbiz insider Ogie Diaz si Lucena City Mayor Mark Alcala hinggil sa panliligaw umano nito kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Agosto 4, sinabi ni Ogie na dinedma lang umano siya ni Alcala nang i-message niya ito.

“Syempre mine-message ko sa kaniyang Messenger si Mayor. Tinanong ko na nga tungkol doon [...] Walang sinabi. Dedma,” saad ni Ogie.

“No’ng una, sabi ko: ‘Mayor, dedma, ha. Hahahaa. So, sumagot siya: ‘Sorry, Tito, medyo busy. SOCA [State of the City Address] ako tomorrow,’” wika niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa niya: “Tapos, inano ko na, gusto ko lang malaman kung nanliligaw siya kay Kathryn. Hindi siya sumagot. So, sabi ko: ‘True nga na nanliligaw ka Mayor kay Kathryn?’ Hindi pa rin sumagot.”

Matatandaang nagsimula ang tsikang ito nang lumabas ang isang artikulo ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan na nagsasabing si Alcala umano ang bagong manliligaw ni Kathryn.

MAKI-BALITA: Lucena Mayor Mark Alcala, bagong manliligaw ni Kathryn Bernardo?