September 19, 2024

Home BALITA National

Lone bettor mula sa Laguna, panalo ng higit ₱30M sa lotto!

Lone bettor mula sa Laguna, panalo ng higit ₱30M sa lotto!
FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

Taga-Laguna ka ba? Tingnan mo na ang lotto ticket mo dahil baka ikaw na ang nanalo ng mahigit ₱30 milyon sa lotto na binola nitong Lunes ng gabi, Agosto 5. 

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), matagumpay na nahulaan ng lone bettor mula sa Laguna ang winning numbers ng Mega Lotto 6/45 na 01-23- 20-16-27-03 na may katumbas na ₱30,221,261.80.

Dagdag pa ng ahensya, nabili ang winning ticket sa West Drive, Trade Center, Calamba, Laguna.

Samantala, nito lang Agosto 1, may nanalo rin mula sa Laguna. Napanalunan nito ang ₱14,733,011.60 jackpot prize ng Lotto 6/42. Nahulaan ng lone bettor ang winning combination na 03-15-11-17-19-13.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

BASAHIN: ₱20M, ₱14.7M jackpot prizes, napanalunan ng taga-Cavite at Laguna!

Upang makubra ang premyo, magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprinsinta ang kanyang winning ticket at dalawang valid IDs.

Ang lahat ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Ang lahat naman ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.