November 25, 2024

Home BALITA National

Habagat, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa

Habagat, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa
Courtesy: PAGASA/FB

Patuloy pa rin nakaaapekto ang southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng bansa ngayong Martes, Agosto 6, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdudulot ang habagat ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Western Visayas, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Bukod dito, malaki rin ang tsansang magdadala ang habagat ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa mga natitirang bahagi ng Visayas, Bicol Region, mga natitirang bahagi ng MIMAROPA, at mga natitirang bahagi ng CALABARZON.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms din naman ang inaasahang mararanasan sa mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa nasabing mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Samantala, anang PAGASA, huling namataan ang binabantayan ni low pressure area (LPA) sa layong 835 kilometro sa east northeast ng Extreme Northern Luzon sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Dahil nananatiling malayo sa kalupaan ang naturang LPA, wala raw itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa. Mababa rin daw ang tsansang mabuo ang LPA bilang isang bagyo.